Raniela's POV
Alas-tres na ng hapon, hindi ako pumasok. Sabi kasi ng mga Villanueva kahit huwag muna daw ako pumasok ngayon upang makaimpake. Bukas ng alas-kwatro ay aalis na kami dito sa US.
"Uuwi ka na nga ba talaga?" Tanong sa akin ni Tito Victor.
Nagkibit balikat ako at bahagyang umiling. "Honestly, Tito, I don't really wanna go home." Giit ko sabay ng pag-upo ko sa may sofa nina Tito.
"So, bakit ka uuwi?" Tanong naman ni Tita Mely ngayon.
"Kailangan po kasi sa trabaho." Mahinhin kong sagot sakanya.
"Don't worry, Raine. Kakausapin namin si Vladimir na sunduin ka bukas." Sabi ni Tito Victor.
"No need, Tito. Didiretso na lang ako sa bahay." Giit ko.
Nasa may resthouse kasi si Vladimir ngayon. Ayaw niyang maghotel o tumira kina Mommy. Saka na lang daw kapag nandoon na ako sa Pilipinas.
"Are you sure?" Tanong ni Tita Mely.
Tumango agad ako, "Yes, Tita."
Mabilis ang pagtakbo ng oras. Nakaayos na ang buong gamit ko. Actually, kinuha ko na nga lahat ng damit ko dito. Baka hindi na din ako babalik dito sa US. Kung babalik man ako, hindi na ganoon kadami ang dadalhin kong damit. It depends...
Buong gabi, akala ko'y makakatulog ako. Ngunit hindi. Parang ayaw pumikit ng dalawang mata ko. Simula nang malaman kong uuwi na kami sa Pilipinas ay nagbago ang pakiramdam ko. Parang nagkabuhol-buhol ang sikmura ko. May parte sa sisteme kong sobrang galak umuwi, ngunit meron ding parte sa akin na ayaw umuwi dahil sa takot na makita ko siya.
Wait nga! Bakit naman ako matatakot sa kanya? Nakamove-on naman na ako. Natuto na ako noon. Dapat hindi na ako magpakatanga ngayon. Sobra-sobra na ang sakit noon, at kahit kailan ay hindi ko na mararanasan ulit iyon.
Alas-dos na ng umaga. Mulat na mulat pa din ang mata ko. Hindi na talaga kinaya ng mata kong isara ang mga ito. Kaya bumangon na lang ako upang maligo. Dumiretso muna ako sa closet upang kunin ang nag-iisang natirang damit ko. Iyon kasi ang isusuot ko papuntang airport.
Pagkatapos ay naligo na ako. Ininda ko ang lamig ng tubig. Actually, hindi siya ganoong kalamig. Pero giniginaw pa din ako dahil masyado pang maaga.
Mabilis akong nakaligo dahil sa pagmamadali kong makatakas sa sobrang lamig na shower na 'yon. Ngayo'y nakasuot na ako ng dark brown pants and white longsleeve na pinatungan ko ng leather jacket. Nagboots na din ako upang bagay sa suot ko.
Nagulat ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad ko 'tong binuksan at bumungad sa akin si Tita na nakabihis na pang-alis. Sasama kasi sila papuntang airport. Sila ang maghahatid sa akin.
"Let's eat, Raniela. Para makaalis na tayo. 5 o'oclock ang flight mo 'di ba?" Sambit ni Tita.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
Kinuha ko muna ang handbag ko. Sabay suot ito sa katawan ko. Tumungo ako kay Tita Mely na hindi pa din maipaliwanag ang ekspresyon. Hayst!
"Sure, Tita. Let's go!" Aya ko sa kanya.
Bumaba kaming pareho sa ikalawang palapag. Syempre, hinawakan at inalalayan ko siya. Buntis kasi siya. At baka madulas pa siya. Nang makababa kami at sinalubong naman kami ni Tito Victor. Nakaamerican suit siya at nakablack shoes. Aba't may meeting?! Joke. Hihihihi.
Kumain muna kamu. Bacon, eggs, fresh milk, and pancake. Iyan ang hinanda nila ngayon. Tinikman ko lahat. Mabilis kaming nakakain dahil sa pagmamadali namin.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomantizmEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...