4.

11.4K 159 6
                                    

Raniela's POV

Kapapasok ko pa lang sa classroom puro bulungan na ang bumungad sa akin. Ano pa bang bulungan? Syempre tungkol na naman sa akin at kay Yael. Hindi na ba sila nagsasawa?

Inaamin ko, nasasaktan ako. Kasi kahit naman hindi totoo, alam ko ako pa rin iyong pinag-uusapan nila. Maraming nakakakilala sa akin dito sa university. Siguro, isa na ang dahilan ang pagiging girlfriend ng isang Yael Ramirez.

Pero hindi naman iyon, marami nang nakakakilala sa akin at friends ko nung Grade 7 palang ako dito. Nung nanalo kasi ako ng Miss Eminent University 2011. Pero ang hindi ko inaasahan ang marami ng nakipagkaibigan pa sa akin lalo ng naging kaibigan ko si Summer at naging boyfriend ko si Yael.

Sikat din kasi si Summer. Kilala ang kompanya nila, marami silang pagmamay-aring malls at hospitals around the world. Dumami pa ang humanga sa kanya nang manalo at itanghal siyang Miss Eminent Universiry 2013.

Pero mas sikat sa amin si Sofia Olivia Chen, ang president slash founder ng buong Yaelnatics o fangirls ni Yael. Si Sofia din kasi ang President ng Eminent University. At ako naman ang Vice-President. Isa pa, siya din ang itinanghal na Miss Eminent 2014.

Siya ang mas latest na nanalo dito kaya mas kilala siya.

Marami din siyang naging kaibigan. Kagaya namin ni Summer, pero mas close lang kami ni Summer. Actually, si Summer at Sofia ay magpinsan. Kaya lang iba ang business ng mga Chen, may Beauty, Spa and Hair Salon sila.

Marami akong kaibigan dito sa university na ito, iyong iba lumalapit at kinakausap pa rin ako. Madalas pa'y may dala silang regalo para sa akin. Hindi lang basta-bastang regalo dahil puro limited edition na bag, pabango, sapatos, o alahas. Kaso nga lang, karamihan ng regalo'y napupunta lang din kay Yael. Ako lang ang pinag-aabutan.

May mga kaibigan akong lagi-laging lumalapit. However, they were just doing it for fame. O para lang malapit sa boyfriend o masabing kaibigan nila ako. Summer's different, she was there through my ups and downs. Ang lungkot lang na hindi ko na siya kaklase.

"Sila pa din pala?"

"Sabi ni Sofia sa akin noon, nagbreak na daw sila?"

"Ay! Baka mali ang nahagilap mong balita, Liz. Akala ko talaga break na sila!"

"Masasabunutan ko talaga iyang babaeng iyan kapag niloko niya si Yael!"

"How funny. Huwag kang mag-alala. Mahigpit ang hawak ng linta, pero tanga na lang siya kapag binitiwan pa niya ang biktima niya."

"Wow, Aleah! Grabe ka naman ata sa pagtawag sa kanya."

"Ganoon talaga Liz, lumalala. Nagiging tuko na.."

Mukha silang nagbubulungan pero wala namang epekto 'yon dahil naririnig ko pa rin naman. It was Aleah at Liz, parehong kaibigan ni Sofia at kasama rin sa mga miyembro ng Yaelnatics.

Nangilid ang luha ko sa mga naririnig? Ano bang kinagagalit nila? Dahil girlfriend ako ni Yael? Hiw immature they are. Sobra naman ata iyon. I miss Summer. Kung nandito lang 'yon ngayon, kanina pa siguro niya sinunggaban ng sampal ang mga 'to!

Kaysa sa makinig ako sakanila. Umiwas na lang ako at tumingin sa may pintuan habang hinihintay ang magiging teacher namin. Wala naman akong mapapala kung makinig sa kanila.

"Hello, Raniela!" bati nila sa akin.

"Ah? Hello, Carlos." I smiled at him.

Carlos is one of my classmate since Grade 9. Ngayon na lang ulit kami naging magkaklase. At ngayon ko lang ding nalamang pareho lang pala kami ng strand.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon