51: Ms. Villanueva

5.5K 85 1
                                    

Raniela's POV

Hanggang ngayo'y hindi ko pa din mawari kung bakit ganoon kabilis ang pangyayari. Walang presentation. Gayunpama'y sobrang saya ko dahil sa nangyari. Whoooah! Sa kauna-unahang pag-aapply ko'y nakuha ko kaagad ang gusto ko.

Napag-usapan din namin nila Mr. and Mrs. Villanueva na bukas na ako magsisimula sa pagtratrabaho. Nasabi ko na ding hindi ako magaling sa beers or foods, kundi sa wines ako magaling. Pero hindi nila ito pinansin, dahil agad lang silang sumang-ayon sa sinabi ko.

Buo ang pagtataka sa akin, ngunit kahit marami mang hiwagang nangyayari sa akin. Naisipan kong i-text si Vladimir. I'm pretty sure matutuwa 'yon!

To: Vladimir

Hey brad! I know, hindi ka maniniwala! But... NATANGGAP AKO! Magsisimula na ako bukas sa V Brewery, Vlad! :)

Agad din naman itong naisent sa kanya. Ipapasok ko na sana ang cellphone ko sa bag, bigla nalang itong muntik ng mahulog. Buti't nasalo ko ito. May nabangga ulit kasi akong tao, o baka naman ako ang binangga?

"What the heck!" Sigaw ko.

Inayos ko ang cellphone ko at nilagay ko na ito sa bag ko. Tumungo ako sa taong nakabangga slash nabangga ko. Aba! Ewan ko kung ako ba o siya ang nakabangga.

Napansin ko ang itim niyang buhok na medyo mahaba. Ang maganda dito ay may pagkakulot ang dulo ng buhok niya. Mas maputi siya kaysa sa akin pero hindi siya mukhang foreigner. Magkasing-tangkad lang kami ngayon pero kung tatanggalin ang mga heels naming pareho, siguro'y mas matangkad ako sakanya.

"What the f! Hindi mo kasi tinitignan ang dinadaanan mo!" Bulyaw niya.

Ako palang nakabangga? Parang hindi naman e! Siya nga 'tong nagmamadali kasi marahan lang naman ang paglalakad ko. Haynaku! Pero wait... Filipino din siya?

"Do I know you, missy?" Nakangisi kong sagot.

"Are you insulting me bitch?-"

Bago pa niya mabuo lahat ng gusto niyang sabihin ay may humigit na sa kanya.

"Cut it out, Shane! Tumigil ka nga! Nandito ka sa kompanya, at nasa publiko ka! 'Wag mong ipahiya ang kompanya namin." Untag ng isang babaeng maputi din.

Nakuha niya agad ang pansin ko. Kumpara sa akin o sa babaeng nabangga ko. Mas maganda siya. Morena ang kulay niya at mas matangkad talaga siya. Hindi siya nakaheels kundi nakaflat shoes lang siya. Nakadress siya ng pula at bagay sa kanya ang kulay pula niyang lipstick. Magkakasingtangkad lang kami ngayong tatlo pero alam kong mas matangkad siya dahil nakaflat shoes nga lang siya.

"I'm sorry, sissy. Okay. Palalampasin ko ito." Tugon niya.

"So, get out." Utos ng hindi ko kilalang babae.

Yumao na ang babaeng narinig ko ang pangalang, Shane. Siguro'y may impluwensya din siya dito sa kompanya kaya ganoon lang siya makaasta. Parang kaya niyang ipatanggal lahat ng taong nagtratrabaho dito kumbaga.

"I'm sorry, miss. By the way, I'm Xandy."

Inabot niya ang kamay niya. Kumurba ang labi ko at namuo ang ngiti dito. Kinuha ko ang kamay ko sabay abot din sa kanya.

"Ako nga pala si Raniela." Untag ko.

"Oh! Pilipino ka?!" Gulat niyang tanong.

Mabilis akong tumango at napatawa na din. Pati siya ay hindi napigilan ang pagtawa. Grabe! Ang ganda niya kapag tumatawa. Pero parang nakita ko na siya before? Parang nagkita na kami...

"Uhm... 'Wag kang mahihiya sa akin, huh? Pero, I am the manager of this company."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Manager pala siya dito? Ang laki din pala ng pwesto niya rito! Napaawang ang bibig ko at lumipad na parang ibon ang diwa ko dahil sa gulat.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon