Raniela's POV
"Good evening, ladies and gentle!"
Bumalik ako sa lamesa namin. Purple was staring at me. Umiwas agad ako ng tingin at umupo sa tabi niya. Sa dami nang nangyari ngayon, naisipan kong manatili. Hindi ako uuwi gaya nang gusto ni Yael.
"Saan ka galing? Did you cry?" she asked again.
"Thank you for coming to my daughter's 18th birthday. But wait, this party isn't just about the birthday of our beloved daughter. Our family decided to share the big news we are working on."
"Hindi naman. I am fine, don't worry," I smiled at her.
"Let us give a round of applause to the debutant Maeve Summer Estoesta with her escort and fiancé, Yael Vincent Ramirez!"
My lips parted as my tears begun to fall. Everyone clapped their hands while Summer and Yael were walking towards the stage.
Purple gave her handkerchief but I was too hurt to get it. Wala akong nagawa kundi humarap kay Purple at yakapin siya. Inalo niya ako pero hindi sapat iyon para tumigil ako.
"Di ba iyon iyong boyfriend mo?" someone said, maybe Aleah.
Natabunan ng hagulhol ko ang palakpak ng mga tao. Si Purple lang nakakarinig sa akin habang hinahaplos ang likuran ko.
Paano nila nagawa sa akin 'to? Napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Thunder was right. My boyfriend was cheating on me. Bakit hindi ko nga ba iyon pinaniwalaan?
I saw different red flags but I refused to believe it. Laging wala at abala si Yael palagi. Wala na nga siyang oras para sunduin at ihatid ako pauwi. Lagi niyang dinadahilan ang practice niya ng basketball. Hindi ko namalayan iba na pala ang pinapasukan niya.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi ako kasama sa pagtitipon na 'to. Kung bakit wala ang pangalan ko sa mga imbitado at kung bakit wala akong puwang sa magarbong party na 'to. Dahil sa una't sapul pa lang, hindi na talaga ako dapat nandito.
I am Yael's girlfriend. Everyone knows about it. But his family don't me for him, especially his father. Kaya siguro napag-isip nilang ipagkasundo na lang si Yael sa ibang babae. Hindi ko naman inakalang sariling kaibigan ko pa! At pumayag si Summer. Pumayag ang best friend ko.
Ang hindi ko lang matanggap at maintindihan ay bakit hindi nila sinabi kaagad. Isa pa, palagi kaming magkakasamang tatlo pero ni isa sa kanila wala man lang naglakas ng loob na umamin sa akin?
"Any message for your guest, Ms. Estoesta?"
Umahon ako para ibalik ang tingin sa stage. Nakangiti ang kaibigan ko at kinuha ang mic sa emcee. She even cleared her throat before speaking.
"Hi, everyone. First of all, thank you for coming. I'm so happy to see all of you gather together to celebrate my 18th birthday with me. Enjoy your night, everyone!"
Pumalakpak muli ang mga tao. 'Di ko mapigilang pumalakpak at matawa. Mukhang ginusto talaga niya 'to. Ang lakas ng loob niyang ngumiti ngayon sa harap ng maraming tao habang niloloko niya ako.
"Raniela," Purple said, may bahid na pag-aalala.
Hinayaan ko lang iyon at hinintay ang susunod na mangyari. Pinunasan ko ang mga natirang luha sa pisngi ko at uminom ng tubig. Ang tapang nilang gaguhin ako ng ganito. Ang tapang nila.
"How about you, Mr. Ramirez? Any message for the debutant?" asked by the emcee.
"Good evening, everyone! Good evening, Mr. and Mrs. Estoesta," Yael started. "Happy 18th birthday, Summer. Hope you all the best."
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...