33.

6.5K 118 2
                                    

Raniela's POV

I wear my white tube and high waisted bikini underneath my white lace strap crop top  with buttons in front. I partnered it with faded denim high waisted shorts and white flipflops.

Kinuha ko na rin ang totebag ko at sinabit sa balikat. I have my towel, two extra shirts, two pair of undergarments, and one flowy skirt. Iyon kasi ang pagbibihisan ko mamaya, kumuha lang ako ng extra. Dala ko rin ang cellphone at ang naka-paperbag na regalo ko kay Jeremy.

I just brush my eyebrows and put waterproof liptint so I won't look pale after the party. After looking at my reflection to the mirror, tumakbo na ako para bumaba.

Kanina pang alas-kwatro si Thunder sa baba. Wala ang parents ko dahil may business trip ulit sila, this time it is in Guam kaya baka matatagalan na naman bago sila makauwi.

"Manang, alis na po ako!" sigaw ko sa mayordoma namin bago umalis ng mansyon.

Kumaway ako kay Kuya Rico hudyat na aalis na ako. Nginitian ako at nagpaalam rin siya. Excited akong lumabas ng gate. I found him leaning beside his car, looks dashing and handsome while wearing his black polo with white pine trees printed on it. He partnered it khaki shorts and pair of white shoes. Nakabukas naman ang tatlong butones ng kanyang polo at may suot na silver na kwintas kaya mas kita ang perpektong hulma nang kanyang dibdib.

"Are you just going to examine my body or what?" He said, halatang nang-aasar dahil nakangisi pa siya.

"L-Let's go! Susunduin pa natin si Purple." Tinulak ko siya palayo para makapasok sa shotgun. Nakaharang kasi siya roon.

Humagalpak siya nang tawa at pumasok din naman. Iba ang kotseng dala niya ngayon. Kung hindi ako nagkakamali ay sa ate na naman niya 'to. Well, hindi rin naman talaga kami magkakasya sa kotse niya dahil pangdalawahan lang iyong sa kanya. Susunduin pa namin si Purple ngayon kaya we need a spacious one.

My phone rang, tumatawag si Purple. "Papunta na kami. Tapos kana ba mag-ayos?" I asked.

"Oo naman, sis! Kanina pa ako ready! Malayo pa ba kayo? Pinapalayas na ako ng pamilya ko rito, kanina pa kasi akong alas-dos palakad lakad-"

"Nakita kana namin. We're driving a red Lexus car. Can you see us?"

Luminga siya sa magkabilang daan at nang makita kami ay kumaway siya bigla. May hawak siyang box na paniguradong regalo kay Jeremy at bag. She's wearing a pastel yellow off shoulder and black tattered short. Halata naman ang strings ng bikini niyang nakatali sa leeg.

"Thank you!" sumakay siya sa back seat at tila nakahinga nang maluwag. "Sa tingin mo magugustuhan 'to ni Jeremy? Favorite niya kasi si Michael Jordan kaya binilhan ko siya nang new release na Air Jordan. In-order ko pa 'to last month. Ibibigay ko sana 'to before no'ng laro niya kaso hindi pa dumating noon. Buti na lang birthday niya today!"

Tumawa ako at ngumiti rin si Thunder kahit abala sa pagmamaneho. Hindi mapakali si Purple sa kinauupuan kaya salita siya nang salita. Dinaig pa ang stereo nang kotse ni Thunder dahil boses niya ang nangingibaw sa loob ng buong kotse.

"Purple, calm down! My gosh. You're fucking nervous!" Hinila ko ang buhok niya para matauhan talaga.

"Girl, paano ako kakalma? Mamemeet ko ang parents ni Jeremy. Mabait ba si Thunder? Baka mamaya biglang abutan nila ako ng isang milyong tseke para tantanan ko si Jeremy!" She hysterically said, kulang na lang ay humilata siya sa sahig ng kotse.

Tumawa naman si Thunder habang ako ay nai-stress na rin kay Purple. Ganito siya lagi, tuwing kinakabahan ay dakdak lang siya nang dakdak. Ayaw daw niya kasing manahimik dahil kung ano-ano raw pumapasok sa isip niya.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon