70: Nakatadhana

6.7K 79 4
                                    

Raniela's POV

Alas-tres ng hapon ng maisipang mag-swimming ni Thunder. Ayaw niya daw kasi kapag umaga kasi sobrang dami ng tao. See? Ang arte ng kidlat na ito!

"ANONG KLASENG DAMIT IYAN?!" Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng bulyawan ako ni Thunder. Anong suot ba ito? Nakabikini naman ako sa loob pero may suot pa din naman akong isa pang damit na nakapatong sa bikini ko. Kaso halata pa din iyong kulay black bikini na binili ko pa sa Las Vegas bago ako umuwi ng Pilipinas.

"Hoy kalma lang! Para ka naman magproprotesta e!" Nag-peace sign ako sa kanya pero mas lalo pang dumilim at tumalim ang titig niya sa akin. Waaah! Ano ba problema ng kidlat na ito? Hindi naman umuulan pero parang gustong kumidlat ng paligid. Hehehe. Joke lungszxsz!

"Change those effin' clothes! Especially your bikini. Tssss." Sigaw niya tapos biglang tumalikod. Kita mo ito! Nakikipag-usap tapos tatalikod. Bastusan lang?!

"Magpapalit? Anong ipapalit ko? Puro bikini iyong dala kong pangswimming e. Tsaka huwag ka ngang OA. May pang-ibabaw naman akong suot e."

Hindi pa din siya umimik dahil nakatalikod naman kasi siya. Lakas ng topak ng lalaking ito! Nagawa pa talaga niyang tumalikod sa akin kapag kausap ko siya?

"Hoy! Tungeks naman nito. Sapakin kita dito e!" Binatukan ko na siya dahil sa kaartehan niya. Sarap lang ipalapa sa leon e. Galing umarte!

"Aray! Kahit kailan talaga ang sadista mo!" Sigaw niya sa akin pero tinawanan ko lang siya.

"Ano? Aarte ka na lang ba diyan? Bahala ka. Sasayangin mo iyong oportunidad na magswimming sa isa sa mga sikat na beach sa bansa." Sabi ko sa kanya habang nakapamewang pa.

Pinandilatan niya naman ako ng tingin, "Tsss.. Kung magsuswimming ka din naman na ganyan. Kahit hindi na ako maligo mabantayan lang kita." Pabulong niyang sabi pero hindi ko naintindihan.

"Ano? May sinasabi ka?" Nilapit ko iyong ulo ko sa kanya dahil hindi ko nga narinig iyong sinasabi niya. Hindi ko alam kung mahina lang ba iyong pagkasabi niya o talagang bingi lang ako para di ko marinig iyon.

"Nothing. Don't you ever dare remove that fvcking cloth." Sabay turo niya sa damit na nakapatong sa bikini ko para hindi talaga halata iyong kutis ko.

"Ha? Paano ako makakapagswimming ng maayos kung hindi ko 'to tatanggalin? Teka nga... May sakit ka ba ha? Kanina ka pa nag-aalburuto diyan. May lagnat ka ba?" Hinawakan ko iyong noo niya at sinunod iyong leeg niya. "Arte talaga nito! Wala ka naman sakit e."

"Tsss. Childish." Bulong niya na naman. Ano bang binubulong- "Let's go!" Nagulat ako ng bigla niya akong higitin at hinila na lang basta. Hindi man lang nag-inform e!

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa beach. May mga nagba-banana boat at kung ano pang activity pero mas marami pa din iyong nagsuswimming.

"Thunder, Jetski tayo!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"You sure?" May bakas na pag-aalala ang boses niya. Actually, nakakatakot din kasi. First time ko lang kasing sumakay ng Jetski sa tana ng buhay ko. "Don't you worry, baby. I can handle this thing." Nilapit niya ang mukha niya at agad akong hinalikan sa noo. Hay! ^____^

Hinila niya ulit ako papunta sa may jetski. Agad naman kaming inapproach nung lalaking nagbabantay.

"Hello po, Ma'am and Sir." Bati sa amin nung lalaki.

"Hello Kuya! Waaah!" Nakikipag-usap pa lang ako doon kay Kuyang nagbabantay ng bigla akong hilain ni Thunder at pumagitna sa amin ni Kuya. Tsss. Bipolar talaga!

"How much?" Seryosong sabi ni Thunder habang hawak niya ang isang kamay ko.

"1500 po. 30 minutes na po iyon. 3000 naman po kung 1 hour." Sagot nung lalaki.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon