Raniela's POV
"Gutom na ako, Thunder. Sa'n mo ba balak kumain?" Iritado na sa kanya.
Libot na namin ang buong siyudad pero hindi pa rin kami nakakahanap ng makakainan. Ang dami ko nang tinurong restaurant kay Thunder pero hindi niya man lang akong pinapansin.
Mommy is calling...
"Hello mom?" I answered.
[Hi, baby. Hindi ka raw umuwi kagabi, totoo ba iyon?]
"Yes, mommy. Nakitulog ako sa kaibigan ko. I forgot to text you. I'm sorry," I answered.
Thunder tilted his head. Nahimigan ang mga sinabi ko. He even turned off the stereo. I smiled to him but he just nodded.
[I heard your friend is finally engaged. Summer, right?]
Napakurap ako. Nasa Singapore ngayon sila Mommy pero ang bilis nilang nakakalap ng balita.
"Yes, mom." My voice almost croaked, Thunder looked at me again.
[Why didn't you tell us, then? She's marrying Yael, honey.]
"Yes, mommy. I know," my eyes are starting to cry again. "I'm busy right now, mom. Can we just talk about this next time?"
[S-Sure, honey. We love you, Raniela.]
[I love you, my baby.] It was Dad's voice.
"I love you, too. Bye," and I just ended the call.
Pinunasan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo na. Nahuli ko ang ibang titig sa akin ni Thunder but I just gave him a small smile to assure that I'm fine.
Tumigil na kami sa isang restaurant. Naunang lumabas si Thunder at sumunod na lang ako. It's a fancy restaurant, though. Pwede namang sa Mang Inasal na lang, e. Ang arte naman ng bituka nito!
"Good morning, Mr. Villanueva and..."
Sasagot na sana ako pero hinigit ako ni Thunder palayo do'n. I just show my apologetic smile to the lady. Ngumiti naman ito nang pabalik pero parang napilitan lang siya.
"Ano ka ba, Thunder? Binabati ka na nga ng maayos, magsusuplado ka pa," saad ko.
Hinila niya ang isang upuan. Akala ko'y doon siya uupo pero he's waiting for me to sit there. Umupo na rin siya sa harap ko, hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
"Waiter," he said and raised his arm.
Lumapit ang waiter sa amin dala ang dalawang menu. I was about to get the menu but Thunder ordered immediately. Wala pa akong nasasabi pero mukhang alam niya na ang dapat order-in. Umalis kaagad ang waiter pagkatapos niyang magsalita.
"Hey, Thunder. What the hell is your problem, huh?"
"What? You said that you're hungry."
"Yes, I am. But you should still respect others."
He just sighed. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko. At kung narinig man niya, siguradong hindi niya rin naman seseryosohin ang sinabi ko.
"You're here, Mr. Villanueva!" bati sa kanya ng isang matanda.
Thunder rolled his eyes. He looked at the old man annoyingly and disgustedly. Tumango lang siya sa matanda at binalik ang tingin sa lamesa. The old guy noticed me and smiled.
"Oh, hello. What's your name, hija?"
Tumayo ako agad at inabo ang kamay, "Hi, sir. I'm Raniela Concepcion. Thunder's f-friend."
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...