72: Period

7.1K 86 0
                                    

Raniela's POV

Natawa ako nang umurong ang upuan ni Shane at padabog na naglakad palayo sa amin. Hindi pa lang kumakain iyong tao, nawalan ng gana? Sorry not sorry, bitch!

"Excuse me. Hahabulin ko lang iyong pinsan ko." Untag ni Vladimir. Hindi pa ako nakakasagot pero umalis na din siya. Tsk. Wala na akong gana! Badtrip talaga iyong Shane na iyon kahit kailan. Madapa sana siya!

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ang hagalpak na tawa ng lalaking nasa harap ko. Halatang masayang-masaya siya. Kanina nga, parang nagpipigil pa siya ng tawa e. Timang talaga to! Sarap kutusan e.

"Tinatawa-tawa mo diyan?" Inis kong tanong sa kanya.

"Sobra ka pala magselos no? Sweet." Natatawang sabi niya. Psh. Kapag itong timang na lalaking ito, hindi tumigil! Nakuuuu! Ilulublob ko talaga siya sa dagat.

"Ikaw ang susunod na sisigawan ko dito. Tigilan mo ako, Thunder!" Umamba na akong susuntukin siya pero tumawa lang siya ng tumawa. Haynaku! Ano bang sumabi dito sa boyfriend ko? Mukhang naiwan ata iyong isip sa kwarto niya. Kunin ko na ba?

"Gutom ka pa ba?" Hindi ko alam kung paano niya napagsasabay ang pananalita sa pagtawa. Oo. Sa lagay na iyan, tumatawa pa din siya.

"Di na. Kawala ng gana iyong pugita!" Umirap ako at finold ulit iyong braso ko. Kainis talaga! Kay aga-aga. Ganda ng gising ko tapos ganoon gagawin ng higad na iyon? Gusto niya bang ipalapa ko siya sa alaga kong tigre. Pero syempre joke lang. Wala naman akong alagang tigre e.

"Sure ka?" Pramis! Isusunod ko na talaga ito. Makakatikim na ito ng kamao sa akin!

Tinitigan ko siya nga sobrang talim, "Ginagago mo ba ako, Mr. Villanueva?" Mariin kong tanong sa kanya.

Pero imbis na sumagot siya humagalpak na naman ng tawa. Tumayo naman siya bigla at umupo sa inuupuan ni Vladimir kanina. Nilapit niya iyong upuan niya sa akin kaya magkatabi na kami ngayon.

"Ang selosa mo talagang girlfriend!" Bulong niya tapos ginulo ba naman daw iyong buhok ko. Magsasalita na sana ako pero inunahan niya na ako. "Kakain ka ha? Ang payat mo na." Maniniwala pa sana akong pumayat ako kung hindi siya nakangiti. Sarap talagang iumpog nito sa pader kahit kailan!

Inirapan ko lang siya ngunit nakangiti pa din. Haynaku! Nag-order na din siya ng pagkain. Tsss. Kahit anong pilit ko talagang huwag kumain, papakainin niya pa din ako.

"Eat." Parang tanga itong si Thunder. Isusubo pa talaga iyong inorder niyang fruit salad para sa akin. Ano akala niya sa akin? Bata?

Ngumanga na ako para hindi na namin ito pag-away. Highblood pa din ako dahil sa higad na iyon. Akala niya ha!

"Yamot na yamot ka ba? Sorry na di ba?"

"Bakit ka nagsosorry? Inano mo ba ako? Ginahasa mo ba ako? Inabuso mo ba pagkababae ko? Binaboy mo ba ako? Tsss! Kutongan kita diyan e!" Ang lungkot na ng aura niya. Sht naman kasi Raniela! Kung ano-ano mga pinagsasabi mo.

Nanigas ako ng biglang hinawakan niya ang chin ko at tinignan ako mata sa mata, "Paano kung sabihin kong gagawin ko palang?" Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko ng hawakan niya ang baba mo. Bumilis din ang tibok ng puso na para bang halos hindi na ako makahinga. Sht! Ano bang pinagsasabi ng gagong to?

Tuluyan na nga akong namula at hindi ko pa din mahanap ang salitang bibigkasin ko, "Joke lang! Magagawa ko ba naman iyon sa girlfriend ko?" Ngumisi siya at nilapit ang mukha niya sa akin. Akala ko hahalikan niya ako pero nilapit niya lang pala iyong noo niya sa noo ko para magtapat ang ilong niya sa ilong ko din.

"T-Thunder..."

"What is it, baby?" Ang lapit niya na sa akin kaya ramdam ko na ang bawat hininga niya. Nakakaloka iyong ngising pinapakita niya ngayon. Parang may posibilidad na lumabas iyong puso ko sa dibdib ko. Watdapak!

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon