20.

7.5K 115 1
                                    

Raniela's POV

"Yael want you back, isn't he?" He opened up.

I got stunned for a minute. Sa dami nang pwede naming pag-usapan, iyon pa talaga ang naisip niya. Ngumiti na lang ako at umiling.

"No. He just apologized for what he did. That's all."

Sandali pa'y dumating naman na ang order namin. Pasta ang order namin ngayon. Akala ko steak na naman ang pinili niyang pagkain. Nakakaumay kaya iyon.

Tahimik kaming kumain ni Thunder. Wala naman na siyang sinabi tungkol kay Yael. Interesado siya masyado kay Yael. Gusto niya ba si Yael?

O baka ako ang gusto niyo?

Natawa ako at umiling-iling sa naiisip. Lutang na nga ako buong klase, puro ganito pa ang pumapasok sa isip ko. Hayst! Sumasakit lang ang ulo ko.

"Why are you blushing?" masungit niyang tanong.

"Ako? Hindi ah," at hindi ko na naman napigilang matawa.

His eyebrow raised and watching me disgustedly, akala mo naman may nagawa akong masama. Uminit pa lalo ang pisngi ko. Nakabukas naman ang aircon at sarado ang restaurant. Bakit ang init naman ata?

"Yeah, you are."

He almost reach my cheeks. Nilayo ko naman ang mukha at marahang pinalo ang braso niya.

"Blush-on yan. Washroom lang ako. I'm done eating naman na."

I excused myself and went to the washroom immediately. Hinawakan ko agad ang pisngi ko at halos mapaso na ako sa init no'n. Bakit ba ako namumula? Wala naman akong nilagay na blush-on. Powder at liptint lang ang gamit ko.

Naghilamos na lang ako at pinunasan ang mukha gamit ang tissue. Dala ko naman ang purse ko kaya naglagay na ako ng powder at konting liptint. Lalabas na sana ako pero hindi ko napigilang makitsismis.

"Ang ganda no'ng nasa table number 4, p're."

"Gago ka ba? Girlfriend ni Sir Thunder iyon."

Gusto ko sanang humarap sa kanila at i-deny iyon pero hindi ko rin lang naman nagawa. I'm not Thunder's girlfriend.

"Weh? Mukhang hindi naman, p're."

"Bahala ka diyan. Mamaya masesante ka."

"Kukunin ko lang naman iyong number, e."

"Hayop ka. Girlfriend nga iyon ni Sir Thunder. Kulit mo talaga."

"Oo na. Pucha, mas maganda pa iyon kaysa kay Ma'am Skylene. Ngayon na lang nagdala si Sir Thunder ng babae dito, ano?"

"Ang tsismoso mo talaga, Pablo! Bahala ka nga diyan."

Skylene? Who's that?

Paglabas ko'y wala na iyong dalawang waiter na nag-uusap. Dumiretso na agad ako sa table namin ni Thunder. Tapos na rin naman siyang kumain at hinihintay na lang ata ako.

"Let's go. Tumawag ang Mommy mo. She said, you should go home right away."

"Oh, sinagot mo?"

"Of course. As if I had a choice," he answered coldly.

Sinilip ko ang cellphone ko at mag text nga galing kay Mommy doon. Pinapauwi na niya ako. Siguro nakauwi na rin sila. Akala ko ba bukas pa sila uuwi? Napaaga naman ata.

Thunder drove his car. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay. Isang beses ko pa lang dinala dito si  Thunder pero kabisado na niya ang pasikot-sikot.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon