19.

8.2K 123 3
                                    

Raniela's POV

Mabilis lumipas ang mga araw. I hate Mondays. But I hate it more today. Makikita ko ngayon si Yael at Summer. Sana'y hindi na lang magtagpo ang mga landas namin ngayon.

Bukas pa lang ang uwi nila Daddy kaya ang mga kasambahay at bodyguards lang ang kasama ko ngayon sa bahay.

"Ma'am Raniela, handa na po ang almusal." Tawag ng isang kasambahay.

I finished putting some powder and liptint. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na para kumain. Kaso wala akong ganang kumain lalo na't wala akong kasama ngayon sa hapag.

Idagdag mo pa ang palaisipan kong magkikita talaga kami ngayon nila Yael. Kahit malawak ang Eminent University, hindi malabong magkita kami sa cafeteria o hallways.

I just drank a glass of milk and ate some slices of bread. Nagpahatid na ako kay Manong Rico sa university bago pa ako malate. I even texted Purple para magkita kami sa tapat ng gate.

Just like before, people are having fun of me. Alam kong alam nila ang sumabog na balitang engaged na si Yael at Summer. Siguro'y kinakaawan na ako ng karamihan ngayon pero sa tingin ko mas natutuwa pa silang ganito ang napasamak sa akin.

"She deserved that. Pinagsawaan na," I heard them talking about me.

"But she still betrayed by her own bestfriend. That sucks," they laughed too.

Ganoon ang narinig ko habang nasa tapat ng gate. Nagsisi agad akong dito pa ako naghintay. Ayoko rin namang dumiretso mag-isa sa classroom dahil paniguradong magkikita kami ni Sofia roon. Baka mag-init lang lalo ang ulo sa akin ng babaeng 'yon.

"I'm sorry. Naghintay ka ba ng matagal?"

I just smiled at her, "It's fine. Hindi naman gaano. Tara na."

The guard checked our bags and IDs before entering the university. Nakapulipot ang braso ni Purple sa akin. Buti na lang at wala nang sugat doon. Lahat ng taong nadaraanan namin ay tinitingnan lang ako o kaya'y nagbubulungan.

"Huwag mo na sila pansinin. Inggit lang mga 'yan," Purple said.

Natawa ako bigla. "I don't think so. Ba't sila mai-inggit? Yael is not my boyfriend anymore."

Hilaw na ngumiti sa akin si Purple. Nginitian ko na lang siya pabalik. Pumasok na kaming dalawa sa classroom. At tama nga ang hinala ko. Nandoon na si Sofia, kasama ang mga kaibigan niya.

Halos lumuwa na ang mata niyang nakatitig sa akin. I even saw her fist clenched. Nilagpasan ko siya at umupo sa upuan. Ganoon ang naging ayos namin ni Purple.

"What happened pala sa'yo after the party? Hinabol kita pero you were gone. Sumakay kana sa kotse."

Nabulunan ako nang sarili kong laway. Ibig sabihin, nakita niya akong pumasok sa kotse ni Thunder? Hindi naman ata niya alam iyon. Sasabihin niya naman kung nakita niya si Thunder.

"Thunder fetched you, right?"

Tuluyan na akong naubo. Sakto namang dumating si Thunder at nilapag ang bag sa kanyang upuan. Gaya nang dati, suot ulit niya ang makapal niyang salamin. Mukha tuloy ulit siyang nerd.

"Huh? Ano, nakita niya lang ako at iyon nga. Hinatid na rin." I laughed awkwardly.

"Nag-usap na ba kayo ni Yael?" Nagbago na ang tono ng boses niya. Naging malamabing na iyon at puno nang malasakit.

Umiling agad ako. "Wala naman kaming pag-uusapan, Purple. Malinaw naman sa akin na tapos na kami."

"Hinanap ka ni Yael no'ng gabing iyon. Wala naman akong masagot sa kanya dahil hindi ko rin alam kung nasaan ka," kwento niya.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon