40.

7.2K 98 8
                                    

Raniela's POV

Skylene and I planned to go shopping first. Maagang umalis sila Mommy patungong airport pero hindi na namin sila naihatid pa. Nag-taxi na lang din kami ni Purple dahil magmamaneho.

Hindi pa ako nag-driving lessons at ganoon din naman si Skylene. Wala naman kaming masyadong napala sa shopping dahil marami ang pasalubong na inuwi niya. Inaya ko lang talaga siya ngayon para dito na kami sunduin ni Thunder.

We visited famous coffee shop. Nag-order lang kami ng maiinom dahil doon namin kikitain si Thunder.

"Matagal na kayo ng boyfriend mo?" She suddenly asked while sipping from her frappe.

"Not actually. Naging kami lang last month. I'm sorry I didn't tell you sooner. Naging abala ako sa school works at hindi ko naman alam na mapapaaga ang uwi mo."

"Oh girl, it's fine. I thought you and Yael were still together. May iba kana pala," she laughed, awkwardly.

Sumimsim ako sa order kong matcha milktea, "Well, some things happened unexpectedly. He's now Summer's fiancé. They announced their engagement last July. Didn't Summer tell you about that?"

Muntikan niyang maibuga ang ininom dahil sa gulat. She even wiped her lips with tissue. The way she looked at me seems like she didn't know at all. Wala naman kasing post si Summer regarding that issue. Kaso mukhang kumalat iyon thru some articles and websites.

"What?! Are you freaking serious? Bihira na lang din kasi kami mag-usap. What the hell, I didn't expect that to happen!"

"Expect the unexpectedly. We're civil, at least. But we don't hang out anymore." I smiled. "Kaso wala nang kaso sa akin iyon ngayon. It's all in the past. Masama kami ni Thunder ngayon, iyon naman ang mahalaga."

"That's g-good. But aren't you confused? Baka you just like Thunder's company but not the whole him. You know, galing ka sa masakit na break up."

I didn't expect that words coming from her. Kumurap ako at inubos ang ininom. Alam kong hindi naging healthy iyon para sa akin. Nanggaling ako sa masalimoot na relasyon at biglang pumatol agad ako kay Thunder.

"Hi, baby."

Napatayo ako nang may humalik sa tuktok ng ulo ko. I couldn't hide my smile when I saw him standing beside me. Pinulupot niya ang braso sa baywang ko at mariing diniin sa katawan niya.

"You're here na pala. Anyway, this is my cousin, Skylene Concepcion." Iminuwestro ko ang kamay para ipakita ang pinsan, "Sky, this is Thunder Villanueva. My boyfriend that I'm talking about."

"Hello." Maliit na boses ng pinsan, bahagya itong tumayo at nag-abot ng kamy.

Tiningnan lang siya ni Thunder at tumango. Pinalo ko naman siya dahil sa pinakita niyang ugali.

"Hoy, umayos ka nga!"

Nagulat ata si Skylene doon dahil nakita kong bigla siyang napatalon. Thunder was playing like a kid. He suddenly groaned and offered his hand after.

"Nice meeting you." Walang gana niyang sabi.

"Pasensya kana, Sky. Wala ata sa hulog gising nito." I gave her an apologetic smile.

"It's fine. Don't worry about me." Inangat niya ang dalawang kamay at shinake ito, tila sinasabing hindi naman big deal ang nangyari.

"Let's go."

Lumabas na kami ng coffee shop. Pinatunog ni Thunder ang kotse at tumungo kami kung saan iyon naka-park.

"Kay ate Xandy 'to, 'di ba?"

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon