Akoy isang Binata

107 1 0
                                    



Ako'y isang binatang lubos na humahanga
Sa isang babaing malakas ang panama
Ganda ng labas at loob na aniyo'y nakahahanina
Sayong kabaitan puso ko'y mistulang pinana
Ngunit tanong ng aking puso't isip giliw
Tayo ba'y maaaring sumayaw sa iisang saliw
Sabay na kumanta ng isang awiting kaaliw-aliw
Nang mapanatag damdaming sayo'y baliw na baliw
Nangangamba sapagkat ako'y muling umibig sinta
Sayong mabuting pagkatao'y nahulog na nga
Sana'y di na muling maulit pag sintang nauna
Na nagdulot ng isang mahapding ala-ala
Aking aaminin pagirog ko'y pinag-iingat ko na
Pinipiling mabuti taong papasok sa puso ko sinta
Upang di na muling maulit pa sakit na dati'y nadara
Na sanhi ng mali at mabilisang pagpili sa iba
Aaminin kong tiwala ko'y sumasaiy, nasungkit mo na
Ikaw na ang humusaga kung aabanti o iaatra mo pa
Ikaw na ang humatol sa pagsintang mistulang tanga
Lahat babanggain para lang maprotektahan ka
Di ko alam kung anong pina-inom, ako'y baliw na ata
Kamay ko't pag-iisip di mapigilan sa pagtula
Utak ay di man lang maubusan ng mga tugma
Para bang bata na di mapigil sa pagsasalita't pagkuda
Ako'y hindi muna magpapadalos-dalos, magmamadali
Dahil aking nababatid panahon,taon at oras pa'y mali
Atin munang unahin mga pinapangarap na pinili
Hanggang dumating na sa atin ang tamang sandali
Nais matupad muna ang mga plano sa buhay
Na siyang magbibigay ng kaligayahang tunay
Maka-tulong sa mga taong naging tulay sa tagumpay
At magkaroon ng masagang pamumuhay
Tatandaan na sa puso ko'y may puwang na nakalaan
Sa isang kagayang mong hiling kong ang kinabukasan
Laging pahahalagahan higit pa sa akin mga kalamnan
Laging pasasayahin sa panahon ng kalungkutan
Sana'y pangarap ko'y di lang maging isang pangarap
Mga plano sa atin di liparin ng hangin sa isang kurap
Marami mang handang sa aking mga pinapangarap
Ako'y magtiiis matamis na "oo" lang ay malasap
At nitong malamig umaga ako'y may nalaman
Nakita ng matang mapanuri nagbabantang lokohan
Di na siguro ipagpapatuloy aking nararamdaman
At baka sa mata'y may pumatak na kalungkutan
Tanging hiling sayo'y maging tunay na masaya
Laging umibig lamang taong isa't mahal ka
Huwag paglaruan damdamin ng iba
Sapagkat iya'y nagdudulot sa puso ng kaba
Dulad ng aking sabi na ano man ang mangyari
Ipagpapatuloy tulang nasimulan hanggang sa mayari
Daradag ang mga tugmang sayo sana'y magpapangiti
At iisip nalang ng mga bagay na tapat ay nangyayari
Hanggang sa muling pagkakasalubong sa daan
Laging tatandaan masakit man hangad ay kaligtasan
Sana'y mga pangarap sa buhay tupadrin sa ikaitaasan
At laging maging masaya sa oras ng kapighatian
Ito muna ang huli saknong na saglit ihihinto ng panahon
Sa tamang oras muling magdurogtong mga saknong
Ngunit iba na ang mukha ng ipapaksang poon
Ito ang huli taludtod salamat sa masaya ngunit saglit na panahon.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon