Oo, Ako lang to ang taong nagmahal, nasaktan pero sa huli iniwanan,
Gusto ko din naman na makaramdam na pinapahalagahan.
Pero bakit sa halos lahat nang minamahal ko lagi akong sinasaktan,
Ganito ba talaga dapat ang nararamdaman ng katulad kong isang talunan?Oo, talunan ako 'yan ang sabi ng karamihan,
Karamihan na nang-aapi sa'kin at dagliang hinuhusgahan.
Damdami'y parang ginugulpi at tinatapaktapakan,
Husto na, tama na puso ko'y tila pagod na at masyado ng nahihirapan.Nahihirapan sa lahat ng inyong pananakit sa aking kalooban,
Idagdag niyo pa ang hirap na aking dinanas sa bawat salitang inyong binibitawan.
Ayaw kong makaramdam ng galit at poot nang dahil lang sa walang katapusang sakitan,
Kahit magkakapira-piraso na ang puso kong walang ibang ninais kundi ang pagmamahal ay makamtan.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry