Hugot

29 0 0
                                    

Talaga naman na masaya na'ko
Magmula nang makalaya na'ko sa'yo
Di ko na kinakailangan ang katulad mo, ang tulad mo
Paalam na, 'tigil na natin 'to
Nagkakamali ka kung inaakala mong hindi ko makakayanang mawala ka sa 'kin
Kung pwede ko lang ibalik ang mga kaganapan di na ko makakapayag na ang puso ko'y wasakin
Pero di na bale para sa 'kin
Para sa 'kin di na para-para balikan
Sapagkat ang tulang babae
Sa 'king puso at isipan napakadali naman na palitan

Ang pangalan ng lalaking di mo man lang nabigyan ng pagpapahalaga
Kahit masakit tila napakapait simula ng ipadama mo sa 'kin na walang mapapala
A-la-la-la-la-lahanin mo na di ako kundi ikaw ang tanging lumayo
At tanging ikaw din ang bumitaw sa mga sinabi mo sa'kin
Panghawakan ko na lamang mga pangakong tayo lamang dalawa
Di ko inasahang hahantong sa ganito
Di ba napakapanatag at napakapatag matagal na nagpakatatag
Ano bang bumabagabag sa isipan mo
Naisipan mo na pag-ibig mo
Napakadali namang ibaling sa iba-lewala naman sa 'kin
Nagsasawa na akong mapahiya makinig ka

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon