Wag kang umalis Ka na

29 2 0
                                    

[Basahin pababa.. ]

Manatili ka.
Pakiusap ayoko ng
Isipin mong gusto kong mawala ka.
Ito ang nais kong sabihin,
Mahal pa rin kita,
At hindi kailan man sasambitin na
Mayroon na akong iba.
Maniwala ka sa akin,
Sa puso ko'y ikaw lang ang nag-iisa,
Hindi totoo ang sinasabi ng iba na
Hinihiling ko na umalis kana,
Na iiwan na kitang mag-isa,
Pero totoo ang idinidikta ng puso,
Ikaw ang nais makasama hanggang dulo,
Ikaw pa rin ang pinapangarap ko,
At kasinungalingan lang na,
Ayaw na kitang makasama
Ginusto lang kita dahil sa itsura,
Dahil ito ang totoo mula pa nung una,
Nais kong ikaw ang makasama sa pagtanda,
Huwag padadala sa minsang sinabi ko na,
Pakiusap sa buhay ko'y umalis ka na.

[Basahin pataas...]

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon