Pakay na yakap

17 1 0
                                    


Gabi na naman pala
natapos na naman ang isang araw sa paulit-ulit na mga salita
sa paulit-ulit na kamusta ka
at sa paulit-ulit na pagsambit na mahal ingat ka.

sa mga paulit-ulit na pangbobola
ay paulit ulit din akong nagmumukhang tanga
paulit-ulit na lumuluha mula pagtulog hanggang sa paggising sa umaga
paulit-ulit at nasasanay na lang talaga

sa mga pag chat mong di ko kaagad nasasagot ay nagtatampo ka
pero mahal busy lang ako maintindihan mo naman sana
huwag mo naman akong kagagalitan kapag May nagsabi sayo na ako'y May iba na
dahil sayo lang ako nagtitiwala at dapat magtiwala ka rin sana

ngunit kung ako Tatanungin mo
kahit sa simpleng chat mo lang kinikilig na ako
kapag sinasabi mo na kumain na ako agad agad ay sinusunod ko
dahil alam mo naman di ba mahal na mahal kita at wala na akong ibang gagawin kundi ang mahalin ka

sa tuwing ako'y naglalakad at umuulan
agad kong naaalala ang yung pangalan
pano kaya kung wala kang masilungan
baka mabasa ka at magkasakit di ko matitiis yan

sa tuwing kumakain naman ako ng mag-isa
ako'y napapaluha na lang ng bigla
iniisip ko kasi na pano kung busy ka sa dami ng iyong ginagawa
at nakalimutan mo ng sarili mo'y mag-alaga
mahal ko huwag ka sanang magpabaya

sa bawat pag-iyak ko'y lahat ng emosyon ay aking tinotodo
nagbabakasakaling mauubos ang luha at umaasa na matatapos din ito
umaasa na sa paggising ko ay makakasama ko na ang babaeng pinakamamahal ko
ngunit hindi dahil sumasabay at sumasabay ang pagbagal ang ikot ng mundo

bumabagal ang pag-ikot ng mundo
ang isip ay nananatiling positibo
ang puso ay nananatiling sarado
dahil iniisip isinasapuso na ikaw lang ang nakalagay rito

dumarating man sa punto na nagaaway tayo
ay mahal hindi pa rin ako magbabago
mangangakong magiging mabuting kasintahan mo
kahit sa mga panahon na nagkakalabuan tayo

kaya mahal kahit ano pang mangyari sa mundo
kahit dumating man sa punto na di na tayo magkita
kahit dumating man sa punto na tayo'y manghina
sayo at sayo lang ako magtitiwala

mangako ka sanang magpapakatatag tayo
itatak sa ating mga puso ang pangakong mahal kaya natin to
kahit maraming magsabi na sa LDR walang nananalo
pero mahal tayo ang magpapatunay na kaya nating talunin kahit ang tadhanang ito

kaya't nung nalaman kong babalik ka na
lubos ang saya na aking nadama
gusto kong umiyak sabayan ng pagkatawa
kahit mabaliw man ang mahalaga ay babalik
at babalik na ang taong minahal ko ng sobra

ang pakay na yakap
ang yakap na pakay
ang dating pangarap
ngayon May tagumpay

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon