Tatlong salitang di alam ang kasagutan
Ikaw na ba?, ang siyang tanging mamahalin
Kung ikaw na ba? ikaw na ba ang siya?
Para sa habang-buhay kong makakasama
Mga katanungan na nanatiling katanungan
Dahil sa kasagutang walang kasiguraduhan
Kung ang sana ay maging katotohanan
Sa habang buhay na sanang relasyon
Isa sa mga pinapangarap ko manatili
Ang maging masaya na ikaw ang pinili
Kung dumating ka man sa aking tabi
Para mawala din ang katanungan sa sarili
Ngunit iba ang naging kasagutan
Dahil hanggang ngayon di malaman
Kung ikaw na ba ang siyang iibigin
Nitong puso kong sobrang pihikan
Nais kasi sigurado sa piniling tao
Para maging masaya ang puso
Mahirap magkamaling ikaw na ba?
Kung hindi pa palang ikaw na nga?
Sa mundo ng panghabang-buhay
Lalo na madaming nagkakahiwalay
Dahil mas piniling humanap ng iba
Kesa manatiling maging masaya
Dahil para sa kanila hindi pa sapat
Kaya naging pihikan sa karapat-dapat
At iniiwasan ang taong hindi dapat
Na magiging dahilan ng aking sakit
Ang sakit na masaktan ng sobra
Gusto lamang nito ay maging masaya
Kaya nabuo ang katanungang ikaw na ba?
At nais lamang ng puso ay maging tama
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry