Duyan

32 1 0
                                    

DUYAN
(Tula,Hango sa kanta ni Sarah G)

Parang may ulap sa 'king mga paa
T'wing mumulat aking mga mata
Mamasdan ang 'yong pagkahimbing
Ang iyong paghingang kay lambing

Minuto segundo na kasama ka
Para patungo na tayo sa bandana
Sa ilalim ng kalawakan
Sa pagtanda ikaw parin ang hagkan

At paggising ay maghawak kamay
Yumakap ka't tayo'y sumayaw kasabay
Ng ritmo, kumpas at pintig
Ng tugtog dito sa'king dibdib

Tibok nitong puso'y iingatan
Yakapin moko at sa mga kamay ikaw magpakailanman
Ritmo sa sayaw ikaw ang lumbay
Tayong dalawa panghabang-buhay

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan dahang kumakampay
Habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay

Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo

Natitiling mga kilig
Sa bawat ngiti ng aking iniibig
Hindi sumuko sa mga laban at pagsubok
Hindi parin tayo mag-uugmok at lugmok

Parang musika ang naririnig
Tuwing "mahal kita'y" mamumutawi sa iyong bibig
Pabulong mo pang sinasambit
Tila bumabagal ang bawat saglit

Sa indayog na ito
Ako ay dulo at iyong-iyo
Dambana ang hantungan
Sabay sa indayog ng duyan.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon