Paano ba ako maguumpisa?
Paano ko ba tatapusin ito?
Heto! Heto! Ganito!
Talo na naman ako sa sariling kwento.
Totoo pala talaga,
Na ang sakit nangangailangan ng dama.
Na ang dating walang hanggan,
Nagkakaroon din ng katapusan.
Ang hirap kapag matutulog ka na
Pero yung sakit naiisip mo pa.
Akala ko walang hanggan pero ba't may dulo?
Ang itinuring kung mundo,
Ay isa palang kalawakan.
Tila ba naglalangoy ako sa kawalan.
Nung umalan ng taong di nangiiwan
Siguro nakapayong akong tuluyan.
Na kahit ang pagiyak ng langit,
Ngayon ay kinahuhumalingan ko ng pilit.
Di ba nakakaloko?
Sa dinarami rami ng tao,
Natapat ka pa sa taong dudurugin
lang pala ang iyong pagkatao.
Na kahit ibigay pa natin ang lahat,
Hindi pa rin magiging sapat,
Sa taong di talaga dapat.
Nasasaktan ako di dahil sa pagiwan mo.
Nasasaktan ako dahil sa mga alaala na iniwan mo.
Nangako ka lang pala sakin.
Pero walang balak tuparin.
Maligaya bang maituturing,
Ang panandaliang paglalambing?
Hawak-hawak ang sandaling,
Di na darating.
Yung salitang mahal na mahal kita.
Hindi pala nangangahulugan na pipiliin ka.
Sadyang mapaglaro itong mundo.
Tayo'y pinagtagpo pero di tinadhanang totoo.
Kaya pa ba?
Maipaglalaban pa ba?
Hindi pa nga naguumpisa,
Pero bakit sumuko ka na.
Nasayang lang ang lahat.
Tinapon mo lang pala.
Pinagsamahan nating dalawa nabalewala.
Kaya ko namang mabuhay ng wala ka.
Hindi ko lang alam kung magiging masaya.
Parang akong tanga na kausap ang tala at buwan.
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan.
Kailan pa ba makakatulog ng mahimbing?
O pikit mata na lang bang tatanggapin,
Na wala talagang mararating.
Mga pinangarap na pag ibig para satin.
Ito na ang huling pikit,
Na dati kang kinikilig.
Ito ng huling araw,
Ng mga yakap mo't halik.
Nawalan ng saysay ang pagmamahal
Na kayatagal kong binubuo.
Na kaytagal ko ring di sinuko.
Paano ba maging manhid ang puso?
Hindi ko alam sa dalawa ang aking pinagsisisihan.
Ang araw na pinapasok ka sa buhay ko
O ang araw na sana ay di na nagising,
para ikaw pa rin ay nasa piling.
Alam kong hindi madali.
At lalong di dapat ako magmadali.
Ang pagiisa minsan ang gamot sa hinahanap na saya.
May hangganan din ang dulo.
Ang tao ay ginawa sa mundo.
At hindi ang mundo ay gawing tao.
Dahil hindi ko inaakala,
Na hahanapin ko ang dating binitawan.
Sana kahit mahal mo sya,
Piliin mo pa rin ang tama
Gusto ko na maging masaya ka.
Kahit yung kasiyahan mo,
eh hindi na ako ang kasama.
Basta wag mo lang hahayaan,
Na muli pang masaktan.
Ang dating makulay,
Ngayon ay kumupas na.
Ang mga tinging puno ng buhay,
Ngayon ay patay na.
Isa ka na lamang estranghero,
Na sa buhay ko ay pumarito.
Isang kapitulong nagdaan.
Isang istoryang di na babalikan.
Mali ba ang desisyon ko?
Mali ba na mas pinili ko kasiyahan nyo?
O mali na saktan ko ng paulit-ulit yung sarili ko?
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry