Akala ko ayos lang na ganito ako,
Matatanggap niya ko kasi ako ito.
Akala ko ganun lang kadali ang lahat,
Pero ngayon hindi na ko karapat-dapat.
Iwan mo na ko, umalis kana,
Wag ka ng babalik, magpahinga ka muna.
Hindi mo deserve na laging lokohin,
Wala kang ginawa kundi ako ay mahalin.
Paulit-ulit na lang kitang niloloko,
Panahon naman para unahin ang sarili mo.
Wag mo kong iisipin at pakinggan,
Hindi na ko magbabago kahit kailan.
Nagkamali kang mahalin ako,
Wala akong ginawa kundi manloko ng manloko.
Hindi ko na kayang makiusap na bumalik ka pa,
Kasi alam kong pagod na pagod kana.
Nasasaktan ako kasi nasaktan na naman kita,
Sinasaktan ko yung taong ako lang ang nakikita.
Wag mo nang saktan ang sarili mo,
Wag mo ng balikan ang taong lagu kang niloloko.
Marami akong gustong sabihin sayo,
Kaso nawalan na ko ng loob, hiyang hiya na ako.
Bakit ko nagagawang lokohin ang isang tao,
Nawalang ginawa kung hindi ang mahalin ako.
Pero hihintayin parin kita,
Nandito lang ako kung babalik ka pa.
Alam ko pagod ka ng patawarin ako,
Pero diba sakin ka lang tapos sayo lang ako.
Kakapit parin ako sa mga pangako natin,
Kahit bibitawan mo na ako, akoy nandito parin.
Walang sawa akong hihingi ng kapatawaran,
Kasi alam ko sa puso ko, na ikaw lamang.
Hihintayin parin kita,
Kahit alam kong napakalabo na.
Mamahalin parin kita araw-araw,
Kahit na ako, ayaw mo ng matanaw.
Umiyak ka lang ng umiyak,
Lahat ng luha ay iyong ipatak.
Minahal mo ako, yung taong walang kwenta,
Minahal mo yung taong napakatanga.
Isa akong dakilang cheater,
I will never be a good lover,
Pero umaasang babalik ka pa,
Hihintayin kita kasi mahal kita, alam ko ako'y mahal mo pa.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry