Nais kong gawing magandang ala-ala
Ang ating magandang pagsasama
Kaya ihahalintulad kita sa paru-parong malaya
Paru-parong malaya na sadyang maganda
Tulad ka ng isang paru-paro
Magandang pagmasdan
Ngunit di maaaring makamtan
Pagkat ako ay walang laban
Sa mga bulaklak at halaman
Halaman na siyang iyong kailangan
Kaya naman ako ay hanggang tingin laman
Sa bawat pagpagaspas ng iyong pakpak
Kapalit nito'y luha kong pumapatak
Dahil alam kong di ka sakin tutungo
Di ka sakin papunta oh aking paru-paro
Dahil ako ay isa lamang sagabal na damo
Na kahit kailan ay hindi makukuha ang atensyon mo
Ako'y damo na malapit lamang sa dinadapuan mo
Ngunit bakit di mo makita ang halaga ko?
Bakit di mo man lang magawang lingunin ako?
Gayunpaman, ang mapalapit ka lang sakin ay tanging kasiyahan ko
Kahit na panandalian lamang ay kuntento na ako
Ika'y isang paru-paru oh mahal ko
At ako'y isang hamak lamang na damo
At kahit anong gawin ko
Sa paningin at paniniwala ng mga tao
Ako'y sagabal lamang sa pagmamahalan nyo
Pagmamahalan ng bulaklak at paru-parong ninanais ko
Paru-parong kahit anong gawin ko
Hinding-hindi sakin dadapo
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry