Ngayon

12 1 0
                                    


Ngayong gabi,
Susugal sa isang tabi,
Itatago lahat pati ang hikbi,
Babalik sa nakaraang isinantabi,
Na bakas ang bawat pighati.
Sa bawat gabi tila di mapakali,
Pagkat sayong pangako ako'y nanatili,
At itong sakit na laging naka kubli,
Na sa ating pagkikita yun na pala ang huli,
At iyong sinambit hanggang samuli.
At aking luha ay pumatak,
Pagkat ikaw ay minsan ng tumatak,
Ikaw na marahil ang laman ng utak,
Ngunit dahilan ng aking pagkawasak.
Ako'y iyong nilimot,
At iniwan mo lang ay kirot,
Na sa bawat gabi'y may puot,
Ngunit kailangan na itong magamot,
Upang hindi na muling umabot,
Sa puntong ako na mismo ang makalimot.
Utak ko muli ay lumakbay,
Na sa bawat detalye ay binaybay,
Ngunit katawan ay biglang nanamlay,
Sinampal ako ng mga patunay,
Na hindi lahat ng mga bagay,
Ay madadala mo pang habangbuhay.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon