Ang tangi kong dalangin
Nawa'y pakinggan ang aking hiling
Bigyan nawa ng panibagong damdamin
At alisin ang mga bagay na hindi kaaya-aya sa Iyong paningin
Ako'y lubhang nahihirapan at nasasaktan Dulot ng maraming alalahanin.
Sa gabi'y hindi makatulog at tila ba'y ginagambala ng Masamang pangitain.
Ako'y nasasaktan
Sa tuwing ako'y pinagtatawanan
Subalit ako'y walang magawa kundi sila'y Iwasan at hayaan.
Minsan pinipilit kong maging masaya
Pero hindi ko magawa
Kaya't halata sa aking Mata ang lungkot na nadarama
Laging nag-iisa at tila'y unti-unti nang nawawalan ng gana.
Ang hirap isipin na ako'y masaya
Habang ang puso ko'y patuloy sa pagdusa.
Gusto ko ng makawala!
Gusto ko ng magpahinga!
Pero kahit anong paglaban ko, wala parin akong napala!
Kaya't Heto, patuloy pa rin akong binabalik-bakikan ng aking masakit na alaala.
Pinilit kong tinalikuran mga unos at pasakit sa buhay
ngunit tila ba'y multo na nagpaparamdam pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Hindi ko kayang alisin ito!
At pagod na pagod na rin ang puso ko!
Kailangan kita!
Dahil Alam Kong ikaw ang magliligtas sa akin mula sa masalimoot na nakaraan
patungo sa nagliliwnag na kasalukuyan
Na Kung saan ang hirap ay tuluyan ng wawakasan
Kaya't aking Ama na taglay ang Pag-ibig
Pakinggan mo ang hikbi ng aking puso
Sapagkat ako'y nangungulila sa Iyong wagas na pagkalinga
Sa tulad kong napapariwara sa landas mong puno ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry