Sabik

21 0 0
                                    

Paano ako lalapit
Kung sa aking paglapit ay mas lalong lumalayo?
Paano ako magmamahal
Kung sa aking sobrang pagmahal ay mas lalong nasasaktan?
Paano ako magbibigay kalinga
Kung sa aking pagkalinga ay mas lalong napapahamak?
Paano ko pupunasan ang mga luha
Kung sa aking marahang pagpunas ay mas lalong pumapatak?
Siguro kailangan muna nating magpahinga
HINGA
HANGIN
HINGA
HANGIN
Huwag kang matakot na magbigay ng espasyo
Dahil dati mo nang inilalayo ang iyong puso
Siguro panahon na para magpokus ka muna sa kondisyon mo
Bago ka lumipat sa kondisyong hindi pa kaya ng puso.
Mukhang gusto mo munang itigil ang ganito
Dahil kung aking susuriin,isa itong karagdagan sa problema mo
Kuwit muna tayo,ngunit nag-aalala ako
Baka lagyan mo ng tuldok ang istorya at hindi na maipagpatuloy ang kwento
Sana hindi ako kasama sa problema
Kaya ko namang maghintay,ikaw ngayo'y malaya
Sana hindi mabago ang dati
Gusto kong ang dati'y manatili
Sana madali kang makabalik
Nandito lang ako sa gilid
Tahimik
Sabik
Sana maunawaan mo ang bawat titik
Isang tula na masaya para sa'yo ngunit sakin masakit
Sa pagtatapos nitong araw,ayaw ko itong paulanan
Dahil hindi pa tapos,tayo'y huminto lang
Huwag kang mag-alala,nandito lang ako sa pagbabalik mo
Huwag kang magduda,ikaw lang hinihintay ko.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon