Huwag mo akong gustuhin
Dahil wala akong damit na mamahalin
Huwag mo akong mahalin
Dahil hindi ako katulad niya na mahinhin
Huwag ako ang iyong piliin
Dahil mahirap akong intindihin
Huwag ako ang iyong landiin
Dahil baka bumigay ako at 'di ko kayanin
Huwag ako, pakiusap huwag ako
Dahil hindi pa ako buo
Huwag ako, pakiusap huwag ako
Magsisisi ka lang, pangako
Bakit sinasabi kong huwag ako?
Kasi hindi ako kagusto-gusto
Hindi ako ang katulad ng iyong mga tipo
At mas lalong 'di ka sasaya sa isang katulad ko
Hindi ako katulad ng mga tipo mo na madaming likes sa facebook
At hindi din ako yung tipo na pati mata mo'y mapapatibok
Kaya kung magmamahal ka, huwag ako
Dahil hindi ako yung tipo na mapapapuso ka sa aking litrato
Huwag ako kasi hindi ako kasing ganda ng iyong iniidolo
Huwag ako kasi hindi ako kasing ganda ni Liza Soberano
Ako lang yung tipo na pag nakita mo -
Masasabi mo na lang na "Ate, uso ba sa iyo ang maligo?"
Siguro ngayon naiisip niyo na baka gusto ko lang humingi ng puri sainyo
Pero diyan kayo nagkakamali iha at iho
Dahil lahat ng sinabi ko ay pawang totoo
Lahat ng sinabi ko ay walang halong biro
Inuulit ko, huwag ako
Huwag ako kasi ganto lamang ako
Huwag ako kasi madami akong inggit sa sarili ko
Huwag ako kasi 'di ako dapat minamahal ng kahit na sino
Huwag mo akong bigyan ng pansin
Huwag mo akong kausapin
Huwag mo akong subukang intindihin
Dahil alam ko na sa huli mapapagod ka din
Muli, kung magmamahal ka huwag na ako
Dahil walang halaga ang isang katulad ko
Kung magmamahal ka, siya na lang wag ako
Kasi 'di ko masusuklian ang pagmamahal na ibibigay mo-
Huwag ako, dahil kahit ako mismo, hindi ko alam kung paano mahalin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoetryKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry