Nagmahal ngunit nasaktan

37 1 0
                                    

Ikaw ang tala sa langit
Na lagi kong binabanggit
Sana'y pawiin ang sakit
Upang maglaho ang hinanakit..
Pagmamahal ko sayo'y tapat
At nawa'y ito'y maging Sapat
Upang maiparamdam ko ang nararapat
At walang sinuman ang makakatapat
Pag mamahal kung tunay,
Kailanma'y di mawawalay
Ito'y walang kapantay
Sapagkat ito'y dalisay
Pangarap ko'y ika'y maabot
Ngunit ako'y nalulungkot
At punong-puno ng takot
Na Baka ito'y bangungot
Lumisan ka nang walang paalam
Kaya't labis akong nagdamdam
Ng hindi ko naasam
Pagmamahal mong Dapat ipinaalam..
Pano na ang pusong sawi
Kung lungkot na ang namumutawi?
Handa ka bang bumawi
Sa sakit na hindi mapawi-pawi?
Kailangan mong umiyak
Upang matiyak
Na Wala nang mabibiyak
Katulad ng pusong nagkabitak-bitak.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon