Umaga

50 2 0
                                    


"Umaga"

Itutulog na lang,
Itutulog na lang,
Ang lungkot nadarama
Ang bigat na dinadala.
Gabi-gabi hindi mapakali
Hinahanap-hanap sa aking tabi
Sandali na ikaw yung kasama
Nais na ikaw yung makita.
Hinahanap-hanap yung lambing
Gabing lungkot ikaw sana'y kapiling
Lungkot na iyong paglisan
Sana hindi totoo pero'y inaasam.
Ayaw ko na, nakakapagod din pala
Tatanggapin na ang mga alaala
Tatanggapin na ang nadarama
Sa panahong ikaw pa yung kasama.
Paano na,sa isip hindi mawala
Pabalik-balik ang alaala
Sana pagsapit ng umaga mawala na
Sa iyong paglisan wala kana.
Paano yung pangako natin sa isa't-isa
Pero nasa ibang tahanan kana kapiling ng iba
Ang sakit na dinulot
Ang mga lambing, ngayon puro puot.
Itutulog na lang,
Itutulog na lang,
Para sa pagsapit ng umaga
Ika'y nawala pati't nadarama.
Tatanggapin ang paglisan
Iiyak at para san'
Panahong ako'y iniwan
Ito na mawawala; mamawalang nararamdaman, Hanggang sa umaga lamang.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon