Dakilang Tanga

27 1 0
                                    

DAKILANG TANGA na yata ako,
Sa dami ng tao sa mundo,ako pa ang naluko.
Kaysaya balikan ang nakaraan,
Na sabi mo,hindi mo ako iiwan.
Subalit nasaan na ang iyong mga pangako?
Ikaw mismo ay unang sumuko.
Pinaasa mo ang taong nagmamahal ng tapat sayo,
Iniwan,sinaktan at ikay lumayo.
Akala koy pagod ka lang,
O ako bay nagkulang?
Sinabi mo nalang sana ang totoo,
Upang matanggap ko ang iyong kwento.
Kwentong nalaman kong kakaiba,
Na meron ka na palang iba.
Kay hirap paniwalaan lahat,
Na ikaw ay hindi tapat.
Di mo manlang nirespeto,
Ang buo kong pagkatao.
Nasaktan man ako,
Dahil sa kagagawan mo,
Di ako magtatanim ng galit sayo,
At igagalang ko, na hindi na tayo.
Sapagkat hindi kita kontrolado,
Magkaiba ang ating estado.
Salamat nalang sa mga panahon,
Mga ala-alang akin ng ibabaon.
Magkikita man tayo muli,
Mukha ko parin ay ngingiti.
Kung sakali di mo na ako pansinin,
Wag kang mag-alala di naman kita kukunin.
Masaya na akong masaya ka sa piling niya,
Kaya wag ka nang mahihiya.
Dahil bawat tao ay may sariling desisyon,
Kaya "OK" lang yon.
Dahil di tayo perpekto,
Nagkakamali, talaga ang tao.
Hanggang sa muli KAIBIGAN,
Di man tayo nagkatuloyan.
Dahil lahat ay may rason,
Kung bakit ito na aayon.
Pagmamahalan man natin ay hindi nag BUNGA,
Walang problema ito sa DAKILANG TANGA.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon