Hindi pa tapos, pero pipilitin kong mag atubili.
Saglitang papahintuin ang oras habang tayo'y magkatabi.
Ipipikit ko ang aking mata, habang dinadama ko ang iyong labi.
Magsasaya tayo na parang ito na,
Ito na ang huling gabi,
Ang huling sandali.
Kahit alam ko na ang kasunod na mangyayari,
Pipilitin kong baguhin ang winawaksi ng tadhana sa iyo,
Sa akin,
Sa atin.
Napakadaya ng panahon,
Wala tayo sa dagat pero bakit kailangan natin sumabay sa alon.
Nalulunod,
Lumulubog,
Lumalamin
Ang pagtingin ko sayo,
Hindi ko na alam kung saan ka na bang parte ng alon,
Sapagkat dahan dahan ka nang kinukuha ng panahon.
Ayoko nang pumikit,
Dahil baka sa pagdilat ko ay tuluyan ka nang maglaho.
Ayoko pang maiwanan,
Pero hindi ko alam kung paano lumaban,
Kung ito ba ay plano ni bathala,
Na paglayuin tayo ng tadhana.
Katawan mo lang ang lilisan,
Ngunit ang pagibig ko ay mananatili kailanman.
Masakit man na ako'y iyong iwanan,
Pero alam ko sa dulo,
Tayo parin sa hangganan.
Lumiliwanag na,
Tapos na ang kasiyahan.
Oras na paran sa akin ika'y ay ipagkaitan.
Ayokong magpaalam
Sapagkat alam kong hindi pa to ang katapusan
Unti unti nang pumipikit,
Kasabay ng pag ahon ng araw.
Kailangan ka na nyang sunduin,
At sana hindi mo ko makalimutan.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoesiaKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry