Ang Hirap Bumitaw"
Ang hirap isipin, ang hirap tanggapin,
Bakit ba ako ay kailangan pang lisanin?
Bakit kailangan pang iwanan?
Lagi naman kitang iniingatan.
Sabihin mo, sabihin mo kung saan banda,
Saan banda sa kin ang di ka sumaya?
Anong awitin, anong tugtugin ba?
Ang para sa'yo ay 'di pa kinanta?
Bawat mahal kita na inalay,
At sinambit ko ay tunay.
Patungo sa pangakong panghabambuhay,
Na ngayon ay humantong sa paghihiwalay.
Sasamahan daw hanggang sa dulo,
Hahawakan daw ang kamay ng todo.
Hihigpitan ang pagkapit,
Pero sakit lang pala ang kapalit.
Paano ko ba maibabalik,
Maibabalik pa ba o tuluyan nang pinagpalit?
Saan ba ako lulugar sa puso mo,
O tuluyan nang diyan ay wala na ako?
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
Thơ caKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry