Napakahirap Pala

22 1 0
                                    



Napakahirap pala!
napakahirap palang itago
ang mga salitang noon ko pa napagtanto
ang mga salitang noon ko pa dapat inamin
ang natatanging salita na hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin
o akin na lamang sarilinin
Napakahirap pala!
ang mabuhay sa takot na maulit ang nakaraan
ang umiyak gabi-gabi sa parehong dahilan
ang magpasakop sa lungkot na nagdaan
ang maniwala sa lahat ng kasinungalingan
at maguluhan kung sa puso ay mayroon nga bang nakalaan
Napakahirap pala!
ang sumabay sa musika na sumasariwa sa lahat ng sakit
mga lirikong nagpapaalala sa hindi ko nabanggit
kasabay ng nakaluluhang tono na hatid ang hanggang ngayong hinanakit
na tumutusok at nagpapakirot sa damdamin ng paulit-ulit.
napakahirap pala!
ang makita kang masay sa iba
na hindi ko nagawa nung panahong tayo pa
ang makita kang umiiyak sa iba
na hindi mo nagawa nung panahong tayo pa!
Napakahirap pala!
ang ngumiti ng pilit
ang maging mastya kahit na saglit
ang magkaguhit ang labi kahit maliit
at magkunwari na hindimasakit
pero ngayon alam ko na!
na hindi lahat ng gustuhinko ay maaari kong makuha
na hindi lahat ay kaya kong daanin sa pagluha.
dahil ngayon alam ko na!
na ng lahat ng pagkakamali ay maaari pang maitama
ang lahat ng nasaktan ay maaari pang magsimula
at gawin ang noon ko pa dapat ginawa.
kasi ngayon alam ko na!
na kapag nasaktan ka kailangan mong bumawi
hindi magmuk mok at umiyak pag-uwi
kaya ngayon ayoko na!
ang mabuhay ng mag-isa
ayoko na!
ang magtiis na kasama ka
ayoko na !
ang magkunwaring masya
ayoko na!
ang ulitin ang lahat ng pagkakamali
ayoko na!
ang masaktan at lumuha uli
ayoko na!
na makita kang muli
na mahalin ka uli
ang maramdaman ang lahat ng pighati
kaya ngayong alam ko na, magsisimula ako
hindi sa kung pano tayo nagkakilala
kundi sa kung paano tayo nagtapos
Magsisimula ako!
hindi sa kung paano mo ako niloko
kundi sa kung paano ako natuto
Magsisimula ako!
hindi sa kung pano ka nagbago
kundi sa kung pano moa ko binago
magsisimula ako!
dahil ayoko na!
kasi ngayon alam ko na!
na napakahirap pala!

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon