Barumbado,
tingin ng karamihan masasamang tao,
barumbado,
kadalasang nakatambay lamang sa kanto,
habang hawak ang alak at sigarilyo,
barumbado,
kadalasang nasasangkot sa gulo, sinasabing walang maidudulot na maganda sa mundo,
barumbado, akala ng iba walang mga respeto.
hindi lahat ng barumbado, hindi na maaaring magbago,
maraming paraan para ang mga taong tinatawag nyong barumbado ay tahakin na ang tamang daan,
bakit hindi nyo sila pakitaan, na hindi sila iba sa inyo,
maaari din nilang gawin ang kaya nyo,
barumbado,
nagbago, kinalimutan ang mga bisyo
barumbado,
nagbago, umiwas na sa gulo
barumbado,
nagbago, nag karoon ng respeto,
barumbado,
nagbago, dahil nakilala si kristo,
sa bawat nakaraan ng isang tao
hinding hindi na maaaring balikan,
sa bawat pag kakamali ng isang tao,
maaaring maitama ang mga ito,
sa bawat katayuan ng isang tao,
maaari itong mabago.
sapagkat habang may buhay ay pag asa,
kung gugustuhin mo walang makakahadlang,
walang sino mang maaaring humarang
sa mga pangarap mo
kaya kung may kakilala kayong barumbado, hindi imposible na sila ay magbago.
barumbado, na maaaring maging mabuting tao.
kailangan lang nila ayy ang tamang pagtrato.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoezjaKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry