Luha

26 0 0
                                    

Akin pang naalala nung ika'y makilala,
Ika'y pinasukob sa payong kong daladala
Munting espasyo sayo'y inilaan,
Upang ika'y di mabasa sa ulan
Ako'y nagtaka't nanatili kang tulala,
Ikaw pala'y merong mabigat na dala
Ang iyong luha'y sabay sa pagbuhos ng ulan,
Akin tuloy naitanong kung anong dahilan
Akala ko ako'y iyong masasapak,
Ako'y nagulat ng ika'y yumakap
Tayo'y natahimik ng pagkatagal tagal
At iyong sinabing iniwan ka ng yong mahal
Puso mo'y kanyang dinurog,
At ika'y kanyang binugbog
Nagkwentohan na tila walang humpay,
Upang malibang habang naghihitay
Tayo'y nagkatinginan ng my jeep na dumaan,
Tayo'y sumakay at magkatabi sa upuan
Ang iyong mukha'y kay ganda ng hubog,
Kahit sino agad sayo'y mahuhulog
Ako'y natigilan ng bigla kang pumara,
Ito'y lugar kung saan ako'y dapat bumaba
Sa telepono tayo'y parang magkasama,
Kwentohan nati'y umabot hanggang umaga
Ako'y nagtapat na nais kang ligawan,
At sayo'y nangakong hindi ka iiwan
Ako'y tinawanan ngunit ika'y pumayag,
Walang araw na sayo'y hindi tumawag
Ating relasyon tuluyan ng nabuo,
Sa mundong tila walang ibang tao
Ngunit ako sayo'y naguluhan,
Ex mo'y laging pasok sa usapan
Aking pagkainis hindi ko matiis,
Pagkat iyong ex ay lagi mong namimiss
Luha ang dahilan upang ika'y magustuhan
Ngunit luha rin pala ang syang patutunguhan
Ating mga pangarap at pangako,
Sa isang iglap biglang naglaho
Ang iyong dating karanasan,
Ngayo'y sakin ipinaranas

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon