Selos!
Hindi ito karapatan
Ngunit ito ay nararamdaman
Hindi mapipigilan
Selos ang tawag dyanYun bang makaramdam ka ng tampo
Kasi may mas inuuna ang mahal mo
Binibigay ang oras sa iba na dapat para sayo
Pati atensyon na dapat ipagdamot, binibigay sa ibang taoIsang salita lang pero ang daming nagagawa
Minsan maguguluhan kung mali ba ito o tama?
Maiinis ka na lang kasi wala kang magawa
Kundi magtampo,magpakacold o kaya magmukhang masamaDahil sa selos pakiramdam ko ay bumibigat
Masakit sa dibdib kahit alam kong hindi naman dapat
Rason kung bakit alam kong hindi naman sapat
Pagmamahal mo ba talaga ay tapat?Masama bang magselos? Pasensya naman
Takot lang ako na sayo may kahati at kalaban
Takot lang ako na baka maagaw ka ng iba
Na baka dumating ang oras na sa iba ka na masayaSana naman ako ay pakinggan mo
Hindi ako magtatampo o nagbabago
Kung walang problema sa relasyong ito
Pasensya na, Selosa kasi ako.Selos ang dahilan ng pagiging moody ko
Kanina sweet ngayon bitter sayo
Bago ka kasi gumawa ng bagay na gusto mo
Isipin mo naman kung anong mararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
ŞiirKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry