Pwede Ba?

30 0 0
                                    



Pwede Ba?
Pwede bang umiyak,
Hindi ko mapigilan, kusa silang pumapatak?
Gusto kong lumuha kasabay ng pagbuhos ng ulan,
Ginago kasi ako nang tadhana, nang kapalaran.
Pwede bang payakap,
Habang ang halaga ko ay aking hinahanap?
Masyado na kong pagod sa paglalakbay,
Mahanap lang ang sagot bakit siya nag goodbye.
Pwede bang pahawak sa kamay?
Nasasabik na ko sa kanya, gusto ko na siyang muling makasabay.
Bigla na lang siyang nanlamig at nag-iba,
Hanggang sa nawala na lamang siya.
Pwede bang samahan mo ako dito?
Kahit sandali lang, kahit ilang minuto.
Natatakot akong mag-isa,
Nasanay na kong lagi siyang kasama.
Pwede bang kantahan kita?
Tulad nang ginagawa ko sa kanya.
Nasasabik na kong muli siyang pag-alayan,
Sana muli niya pa kong pakinggan.
Pwede bang ikaw na lang siya?
Sana ikaw na lang ang aking saya.
Sana sayo na lang tumitibok ang puso ko,
Hanggang ngayon kasi hindi parin 'to kumpleto.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon