Dilim

47 1 0
                                    


Isang salita pero maraming kahulugan,
Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan
Pero hayaan ninyong aking subukan.
Dilim, isang salita ngunit maraming kahulugan,
Isa na rito ang lugar na paborito ng mga magkasintahan.
Ngunit dating sa akin ay iba,
Dilim na hindi masaya,
Sulok na walang nakakakita
Sa dilim na walang nakakaalam kung ano iyong ginagawa.
Ito ako.
Ito ang kahulugan ng dilim sa puso ko.
Gigising sa umaga upang mag suot ng maskara,
Haharap sa mga tao na parang walang problema.
Walang nakakakita ng aking mukha sa likod ng maskara.
Oo, takot ako sa silid na madilim,
Pero di ko aakalain na dito ako mananalangin.
Pananalangin na parang nakikipag-usap sa kanya.
Oo siya lang, Siya nalang ang kinakausap ko tuwing gabi.
Sino pa bang aasahan kong makakaintindi sakin.
Siya lang naman at ang sarili ko.
Hindi ko alam kung anxiety ba ito o mababaw lang ako.
Ang alam ko walang sawa siyang nakikinig sa mga problema ko.
Kahit paulit-ulit na ang hinihimutok ko.
Kahit paulit-ulit na tanong ang lumalabas sa bibig ko.
Kahit alam kong nakikita nya bawat galaw ko.
Kinekwento ko parin na parang nagsusulat ako sa diary ko.
Ngayon, gaya ng nakasanayan ko,
Andito ako sa silid na kung saan dalawa lang kami ng kapatid ko.
Oo may mga kapatid ako.
Ngunit alam kong nararamdaman din nila ang nararamdaman ko.
Ang hindi ko alam paano nila nagagawang baliwalain ang mga ito.
Hahaha wala mahina lang naman kasi ako.
Mahina ito eh.
Andito ako sa paborito kong higaan,
Na kung saan lagi kong iniiyakan.
Naisip kong gumawa ng ganto hindi dahil para mapansin o kaawaan nyo.
Sa tinagal tagal kong nakikipag usap sa kanya ito siguro ang isa sa sinasabi nyang gawin ko para kumalma ako.
"Hindi po tayo nagkakaintindihan eh,
Sana naman po kausapin nyo ko"
Salitang paulit ulit kong sinasabi sa kanya.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon