Pagpaparaya

85 1 0
                                    

Gusto ko sanang gumawa ng tula at ikaw ang paksa,
Ngunit hindi ko alam kung paano ako magsisimula,
Tila ba pag-asa ko'y unti-unti ng nawawala,
Kasabay ng relasyon nating patuloy ng humupa.

Sa mga oras na gising ako'y ikaw ang laging naiisip,
At sa pagpikit ko ng mata'y kasama ka sa panaginip,
Na tila pilit bumabalik sa akin ang lahat ng mga pait,
At itinatago sa mga ngiti ang nararamdamang sakit.

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ng 'di ka kasama,
Sa paggising ko sa umaga'y mukha mo ang lagi kong nakikita,
Mga araw na magkasama tayong dalawa'y laging naalala,
Kasabay ang pagbagsak ng luha galing sa aking mga mata.

Napakahirap para sa akin ang tanggapin nalang lahat,
Tila ba hindi ako makapa-isip ng bagong pamagat,
Ang dinadala kong damdamin ay sadyang napakabigat,
Ayaw ko man sukuan ka pero alam kong ito ang nararapat.

Alam kong ito na ang panahon para palayain kita,
Kasabay ng hiling na sana'y alagaan ka nya ng tama.
Handa kong suportahan ka kung d'yan ka magiging masaya,
Kahit napakasakit sa akin ang makita kang hawak ng iba.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon