Sandalan

37 1 0
                                    



Karera ng luha ang nakikita ko mula sa iyong mga mata,
Kapwa hindi nagpapatalo ang nasa kanan at kaliwa,
Muli kong pupunasan at sasabihin kong hindi sya kawalan,
Pagkat nandito naman ako at handa kang tulungan.

Matagal-tagal na rin nung huli kang ngumiti,
Nawawala na rin ang palamuti sa iyong pisngi,
Tangi kong magagawa ay pasayahin ka hangga't maaari,
Para kalimutan ang hindi mo na pag mamay-ari.

Handa akong maging balabal mo sa gabing malamig,
Hanggang sa makatulog at maibsan ang sakit,
Hangad ko ang kaligayahan mo sa susunod mong pag-ibig,
At hindi na lingunin pa ang nakaraang napakapait.

Alam kong tayo'y hanggang magkaibigan lang,
Isa sa mga pinakamasakit na katotohanan,
Lalabas lang ulit ako pag ika'y iniwanan,
Ng taong mahal mo para iyong maging sandalan.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon