Ako ang sumulat,Ikaw ang pamagat

99 1 0
                                    

''Ako ang sumulat, Ikaw ang pamagat''
Ako ang sumulat, Ikaw yung pamagat
Para bang ikaw yung pahina tapos ako yung aklat
Ikaw yung laman tapos ako naman yung balat
Ikaw yung araw, at ako yung halaman na nag aabang sa iyong pagsikat
At ang dahilan kung bakit ko naihahalimbawa ang mga salitang ito
Ayan kasi ang mga nagpapatunay na palagi akong nakadepende sa'yo
Oo, totoo
Kung walang ikaw ay walang ako
Sapagkat ikaw ang dahilan ng bawat mga ngiti sa labi ko
Ikaw ang simula na hindi ko nanaising lagyan ng dulo
At ikaw yung uri ng pamagat na pinaka paborito ko
Simula nang makilala ko ang pluma
Simula nang maadik ako sa mga letra
Simula nang matuto akong tumugma
Simula nang mahalin ko ang mga salita
At simula nang tayo ay nagsimula, alam mo bang ikaw na, ang paborito kong tula?
Totoo yan, maniwala ka aking sinta
Dahil malungkot ako kapag wala ka sa tabi ko
Para akong isang alagang aso, na iniwan na ng kaniyang amo
Kulang na kulang ako kapag wala ka sa piling ko
Parang isang halo halong hindi nalagyan ng yelo
At sobrang walang kwenta akong pagmasdan kapag tayo ay nagkakalayo
Para bang maliligo ka sa isang balde ng tubig tapos walang tabo
Ganiyan ka sa'kin ka espesyal
Yan ang patunay na labis kitang minamahal
At umasa kang habang hindi pa ako nahihimlay
Ang aking pag-ibig at mga pangako ay hinding hindi mamamatay
Ako ang palaging magsisilbing suklay
Sa kukulot nating pagsasama kapag malapit ng maghiwalay
Ako ang magsisilbing gaas
Sa relasyon nating nawawalan na ng gana at hahantong na sa wakas
At ako ang magsisilbing baterya
Kapag sasabihin mong pagod kana
Labis kitang iniibig sinta
Alam mo bang ang pinaka ayoko ay yung mawala ka
Walang katumbas na kahit na magkanong pera ang iyong halaga
Para sa akin ay walang makakapantay sa kung ano ang meron ka
Kaya habang ikaw ay na sa sa'kin pa
Asahan mong na sa mabuting kamay ka
Hinding hindi ka masasakal at hindi din luluwagan ang pag dala
Sisiguraduhin kong wala tayong magiging problema
Upang pagdating sa dulo, ay pareho tayong sasaya
Asahan mong mananatiling sa'yo ang pag-ibig at atensyon ko kahit may makilala pa'kong mga bagong tao
Dahil hinding hindi nila mababago
At mas lalong hinding hindi nila mapapantayan ang saya, dulot nang pagdating mo sa buhay ko
Asahan mong ikaw lang ang siyang palaging pamagat
Sa bawat mga tulang aking isusulat.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon