Pag-Amin

183 1 0
                                    



May gusto sana akong aminin
Kaso natatakot ako na baka iyong baliwalain
May salita na gusto kong sabihin
Kapag kaharap ka na
Ngunit parang sobrang nakakakaba
Ung tipong namamawis ka na
Nauutal,ung parang naubusan ako ng lakas ng loob
Na magsalita
Kapag nasa harap na kita
Nagdadalawang isip
Kung kaya ko bang bigkasin
Ang salitang gusto kita
Natatakot baka
Mapunta sa wala ang aking pinaggagawa
Natatakot na kapag nasabi ko na
Tatawa ka nalang bigla-bigla
At sasabihing "Nagbibiro ka ba?"
Ang pag-amin
Sa aking tunay na damdamin
Ay sobrang hirap gawin
Nag-eensayo na nga ako sa harap ng salamin
Araw man o gabi
Paulit-ulit nalang palagi
Pero kapag ika'y nakatabi
Di na mapakali
Di na mabuka ang bibig
Kumakabog na din pati ang dibdib
Ganun kahirap
Ang sayo'y humarap
Sobrang hirap mong makausap
Nakakatakot umamin
Baka baliwalain mo lang din
Hanggang kailan
Ba ako magiging ganito?
Natatakot nalang lagi pagkaharap ang isang tulad mo

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon