Kaibigan lang Talaga

53 1 0
                                    

Gaano ba kasakit mafall?
Mafall na walang sumasalo.
Na mafall sa bestfriend mo,
Na di naman ikaw ang gusto.
Oo,kaibigan mo siya
Kaibigan ka niya.
Masaya,dahil magkaibigan kayong dalawa.
Ang masakit lang dun ay kung,
Hanggang kaibigan lang talaga.
Ang sarap siguro magpakalunod sa isang panaginip
Sa isang panaginip
Na tayo lang dalawa
Walang iba,walang sila.
Imahinasyon na gusto natin ang isat-isa
Kaso imahinasyon lang talaga
Dahil may gusto kang iba.
Alam ko mas lamang sya
Kase ako yung tipo ng tao na
Di maipagmamalaki.
Di maipag mamayabang sa harap ng maraming tao.
Oo masakit
Pero mas masakit siguro yung
Sya ang gusto mo
At hindi ako.
Ako yung kaibigan mo na,
Kapag umiiyak ka dahil sa kanya
Iiyak din para damayan ka
Nandito lang naman ako
Di mo lang napapansin
Kasi nga kaibigan lang ang turing mo.
Minsan nga naiisip ko
Dapat ba akong maging
PROUD at MASAYA?
kasi kaibigan kita?
O dapat ba akong malungkot
Dahil kaibigan lang kita?
Sa bawat oras,minuto segundo na magkasama tayo
Nagtatawanan,nagkukwentuhan
Bilang MAGKAIBIGAN
Pilit ko nalang tinatanggap ang katotohanan
Na tayong dalawa ay
Hanggang magkaibigan lang
Sawa na ako
Sawa na akong maniwala at umasa sa imahinasyon
Sa imahinasyon kong ikaw at ako ang laman
Ngunit puro kasinungalingan
Ayoko na.
Masyado nang nahihirapan ang puso ko
Ang puso kong laging nagmamahal pero di manlang minahal!
Oo na,sige na
Tanggap kona
KAIBIGAN LANG TALAGA
Makakalimutan din kita
Kaya sa susunod na magmamahal ako,
Sisiguraduhin kong MAHAL lang
Di yung MAHAL NA MAHAL
Para pag nasaktan,
Di tagos hanggang laman.
Di ko na maaring ikaila na wala kang iba pero yun ang totoo,
Oo iiwas ako sayo pag nalaman mo ang totoo kong nararamdaman,
Pero sana tandaan mo na NANDITO LANG AKO KAHIT WALANG TAYO.
Kahit patuloy akong masaktan ayos lang yun,
Basta nakikita kitang masaya ok na ako,
Kahit masakit titiisin ko,
Basta makita kong masaya ka kahit di sa piling ko."

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon