Mapalaya

21 1 0
                                    

Sa gabi di na ko makatulog
Kailan ba ako mauuntog?
Umiiyak ng walang katapusan
Kailan matatanggap na nandito na tayo sa hangganan
Dito sa hangganan na wala ng balikan
Sa hangganan na kailangan ko ng iwan
Lahat ng sakit at saya na dulot mo
Na kahit kailan di na muling madarama ng puso ko
Bat kasi bigla ka na lang nagbago
Nanlamig ang dating mainit na pagsuyo
Di maisip saan nga ba ako nagkulang
Para dumating ang araw na kaya mo na akong pakawalan
Pwede bang bumalik ulit tayo sa simula
Kung saan ay malaya pa akong mahalin ka
Pwede bang bumalik ulit tayo sa araw
Na mahal mo ko, at di mo kayang bumitaw
Patawad kung di ko kaya
Kung di ko magawang pakawalan ka
Patawad kung duwag ako
Na humakbang pasulong at palayo sayo
Hawakan mo ang aking kamay
Tumitig ka sa aking mata
Sabihin mong wala na talaga
Para puso ko'y mapalaya ko na

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon