Isa Pang Feeling(movie inspired)

31 0 0
                                    

Ang pag - ibig ay para'ng isang sugal,
Hahamakin lahat para sa minamahal.
Walang kinalaman ni isang sentimo,
Itataya mo lang ang puso at nararamdaman mo.
Nagtagpo sa hindi inaasahan pagkakataon,
Walang sinusunod na patakaran o kondisyon.
Hindi ka iiwan anuman ang sitwasyon,
Dito lamang ako lumipas man ang panahon.
Walang naririnig,
Walang makarinig
Feelings lang puhunan.
Pag-ibig natin walang katapusan.
Hindi nagtagal nagkapalagayan ng loob,
Walang bahid ng masamang kutob.
Saksi sa bawat pag-ahon at pag-taob,
Hindi susuko anuman ang dumating na sukob.
Isa pa with feelings,
You are my one king of all kings.
Kahit ikaw ay deaf,
At ako ay hearing.
Sumugal ako sa pag ibig,
Pinuno mo ang nagkulang na dilig.
Hadlang man sabihin ng iba,
Dahil sa ating pagkakaiba.
Isa pa with feelings,
I'm true to you and no flings.
Simula nang makilala ka,
Alam kong ikaw na!
Papatunayan ko nagkakamali sila,
Paglalaban natin saan tayo masaya.
Mayroon man pagkakaiba,
Alam ko ang pagibig ko sayo at hindi sa iba.
Mahal kita maging sino ka man,
Kahit ang iba nagawa kang talikuran.
Sabay natin papatunayan at pinatunayan.
Mahal kita at hindi kita susukuan.
Hanggang tayo ay tumanda ika'y sasamahan.
Ikaw ang aking lakas at sandalan.
Dahil sayo lumiwanag ang mundo kong puno ng kadiliman.
Pinatunayan mo tunay ang iyong nararamdaman.
Natagpuan natin ang tunay na kaligayahan,
Nasaksihan ang bawat kahinaan.
Ngunit pinagtibay ating samahan,
Mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon