Magulong Isipan

50 1 0
                                    

Gabi na naman at 'di mapakali itong isipan
Lutang at madaming katanungan?
Nasaan na nga ba ang tunay na kapahingahan?
Tila ba'y kinikitil na naman itong utak ng magulong kaisipan.
Gabi na! at nandito na ako ulit sa dati kong tambayan
Nakaupo at pawang nakatitig sa kawalan
Nakalulungkot sapagkat ang mga ulap ay Tila ba'y nakikipagsabayan
Mga tunog ng palaka na 'di ko maintindihan
Tahol ng aso na di ko Alam kung ano ang mga kahulugan
Ganyan nga! Ganyan nga kaingay at kagulo ang aking isipan.
Bagamat ang pusoy nalulumbay at nahihirapan
Umaasa parin ito sa himala na dala ng katahimikan
Sapagkat ika nga ng iba, nasaan man ang katahimikan
Naroroon din ang tunay na kapayapaan
Ngunit saan nga ba talaga ito matatagpuan?
Oo nga't tahimik na ang kapaligiran
At lahat ay mahimbing ng natutulog sa higaan
Subalit nandito pa rin ako nakatitig sa kawalan
At tila ba'y wala pang planong harapin ang kinabukasan..
Natatakot na harapin muli ang paulit-ulit na kasinungalingan.
At gigising muli sa isang panibagong araw
Upang hanapin ang rason Kung bakit lahat ay hindi malinaw?
At kung bakit may mga bibig na gusto na lamang manahimik kesa ang sumigaw?
Napakagulo?!.. Pero dapat ko pa nga ba itong pagtuunan?
Kung Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko itong sagutan
Kahit wala ng mga panulat o papel sa upuan..
Dahil batay sa aking kalaman, ang tunay na kasagutan
Hindi nakabase sa bagay kundi sa lakas ng iyong paninindigan
Gamit ang isip na kailangan mo lang lawakan
At puso na kailangan mong pangalagaan
Puso na kailangan mong turuan sa katotoohanan
At pananampalatayang kailangan mong dagdagan
At bagong buhay na kailangan mong lakaran.
Sa wakas! Akin na ngang natagpuan!
Kayamanan ng tunay na Kalayaan.
Kalayaan, hindi Para gawin ang kasamaan
Kundi ang Italaga ang buhay para sa kabutihan
At hindi sa pansariling kapakanan
Kalayaan na maghahatid sa akin patungo sa katahimikan
Katahimikan na gusto Kong maranasan
Mula sa simula hanggang sa katapusan
Ito pala'y hindi mo matatagpuan
Kung ang mga mata mo'y hindi mo kayang buksan
At paulit-ulit na ipilit ang Iyong sarili sa salitang
Kaya mo pa!
Pero ang totoo hindi na pala.
Gumising ka at imulat ang iyong mga Mata!
Dahil ang totoo hindi ka naman talaga nag-iisa
Lagi syang nariyan Para damayan ka!
Pasayahin ka sa panahong nalulungkot ka!
Turuan ka sa panahong akala ng mundo Bobo ka!
Palakasin ka sa panahong hinang-hina kana!
Tanggapin ka sa panahong inaayawan ka!
Itayo ka sa panahong nadapa ka!
Pagalingin ka sa panahong nasusugatan ka
Itama lahat ng kamalian mo
At turuan Kang wag sundin ang nais mo
Kundi sundin ang nais ni Kristo!
Na s'yang nagbigay ng pag-asa upang ika'y manalo
Sa labang gusto mong ipanalo
Simula nong ika'y nagkaisip at natoto!
Oky Lang kahit magulo ang utak mo!
Nariyan siya para ayusin ito!
Kaya ikaw wag kang susuko
Dahil may kristo na napako
Upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangako
Sa mga taong hindi marunong sumuko.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon