Maniwala ka

77 1 0
                                    

Palabiro ako sa iba
Pero pagdating sayo, iba
Iba dahil sa mahal kita
At sana'y maniwala ka
Palagi akong nagbibiro
Sa mga taong nakakaharap ko
Maliban sayo, mahal ko
Pero ang akala mo'y biro lang ito
Nang simulan ko
Ang panliligaw sayo
Dahil nga sa palabiro ako
Pero isa lang ang maipapangako ko
Na totoo ang mga sinasabi ko sayo
Na hindi ito isang biro
Kaya sana maniwala ka sa mga sinasabi ko
Mahal kita, yun ang totoo
Kaya sana tanggalin mo
Sa isip mo
Ang dating ako na palabiro
Kasi ngayon sisimulan ko
Sisimulan ko ng maging seryoso
Para maniwala ka, mahal ko
Sisimulan ko ng magmahal ng totoo
Para sayo, mahal ko
At sinasabi ko to ngayon sayo
Na hindi ako manloloko
Para mahalin mo din ako
Hindi dahil sa mahal ko
Ang isang tulad mo
Kundi dahil sa ako'y mahal mo
At yun ang hiling ko
Ang maniwala ka, mahal ko

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon