Walang Magaan sa sumukong Paalam

10 1 0
                                    



Parang pasan mo ang mundo
Di mo alam ang gagawin mo
Di mo maintindihan ang nararamdaman kung ano ba ito.?
Pero isa lang ang nasa isip at puso
ko
Sobrang Nasasaktan ako.!

Gusto kung sumigaw
Gustong gusto kong ilabas ang palahaw
Pero bibig ko'y diko maigalaw Nanginginig na parang giniginaw

Ginawa kitang mundo ko
Sayo lang umikot tong puso
Diko iniisip na iiwan moko
At nangyari na nga kaya heto ako–

Di alam kung ano ang gagawin
Ang mga alaala'y ka'y hirap limutin
Mga matatamis mong minsahe sa akin
Ay Araw araw kong hahanapin

Ang mga halik mo sa aking labi
Ay unti unti ng napapawi

Sa bawat sulok ng lugar ikaw ay aking nakikita
Ngingiti habang lumuluha ang mata
Kasi akala ko bumalik ka
Kahit alam kong malabong mangyari ito..Dahil ikaw ay wala na

Nasaan ka na ba.?
Di ako sanay nang wala ka
Gusto kong maramdaman ang iyong presensiya
Mahal ko Paramdam ka

Walang magaan sa salitang paalam
Yung tipong halos hininga mo ay pigilan
Na parang babagsak ka sa lupa ng dahan dahan
Pero sobrang lakas pag bumagsak na ang iyong katawan
Hindi lang puso mo ang nasasaktan
Kundi lahat ng buo mong katawan

Parang nawala ang malaking bahagi ng buhay mo
Pakiramdam mo'y nawala ang makulay mong mundo
Ito'y Nagdilim at nagbago

Bakit ganito Sobrang hirap na hirap na ako
Diko na kayang pasanin toh
Tulungan niyo naman ako
Kasi unti unti na akong sumusuko...

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon