Malaya,Pinagpalaya,Nagpalaya

45 2 0
                                    

Isang araw na naman,
Isang malungkot na isipin na naman ang nagdaan,
Isang milyong rason ang umusbong,
Isang pahiwatig ang pinapaalala na naman,
Yung bagay na di ko kayang gawin,
Yun ay ikaw ay pakawalan.
Sinasabi na lang sa sarili ko,
Na kaya ko pang magtiis,
Kaya ko pang manatili,
Dahil inaasam at pinapaniwala ang sarili,
Na matatapos to na may ngiti tayong dalawa sa ating mga labi,
Pero bakit kahit anong pilit kong pakiusapan kang manatili,
Bakit ang Lumaya ang lagi mong pinipili,
Kahit na ginagawa ko naman ang lahat para maibigay sayo ang nararapat at para walang magkulang sa huli.
Pero yun nga,
Ang rason mo ay dahil di kana masaya,
Na siguru hindi talaga tayo para sa isa't isa,
Na dumaan at sinubukan lang kung mag wo-work ba,
Pero gaya ng iba,
Di nga tayo itinadhana.
Siguru panahon na,
Para naman ibigay sayo yung hiling mo na,
Maging malaya ka sa piling ko at mapunan ang pagkukulang ko sa iba,
Kung mas sasaya ka sa desisyong ito,
Sige Pinapalaya na kita,
Kahit naman ipaglaban ko talo parin ako kasi ako at ako lang ang lalabas na nagmamahal sa relasyong pinasok nating dalawa.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon