2021

59 1 0
                                    

Sa pagpapalit ng taon
Tradisyon na ng mga tao
Ang magkaroon ng bagong pangarap
Pangarap na gustong maabot
Aabutin kahit alam nating mahirap
Mahirap man pero kailangan natin kumapit
Kumapit sa pag asang
Ang mundo ay magiiba
Sa nakaraang taon ilang beses tayong sinubok
Pero nandito na tayo sa panibagong taon
Na nakatayo at patuloy na lumalaban
Sa mga hamon ng ating buhay
Sa isang kaibigan, na nagsabi na kaya na nya
Kaya na nyang lisanin sya
Pakatatag ka, alam ko naman na kaya mo
Marami ka nang napatunyan sa sarili mo
Huwag mo lang isuko ang mga pangarap mo
Para sa sarili mo at sa anak mo
Sa umpisa lang mahirap
Pero ang hirap na yan ay magbabago
Magtiwala ka lang, dika nya pababayaan
Mapapalitan ang lungkot ng saya
Balang araw, magkita man kayo
Nandun ang salitang maririnig mo
Na ikaw ang taong sinayang nya
Na unti unti ng umaangat
Dahil binitawan mo na sya
Magtiwala ka sa sarili mo
At pilitin mong maging masaya
Para sa anghel mo
Lahat ng unos maglalaho
Di man sa ngayon mo maramdaman
Naumpisahan mo na
Kaya ipagpatuloy mo
Dahil na sa tamang daan kana
Ito na ang umpisa ng bagong umaga

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon