"Luha"Ang luha ay parang isang ulap
Nag-iipon ng tubig
At kapag napuno na
Kusa na itong lalabas
Luha, Ano nga bang meron sayo?
Kasi sa tuwing lumalabas ka
Ako'y napapahiya
Ako'y napapansin nila
Nalalaman nila na hindi ako ok diba?
Nalalaman nila na malungkot ako diba?
Pero bakit kapag nakatago ka
Ang alam lang nila
Na ako'y masaya
Dahil sa mga ngiti kong kanilang nakikita
Ang alam nila ay palagi akong masaya
Bakit sa tuwing hindi ako lumuluha
Nagtanong ba sila kung ok lang ako
Ni isang beses, hindi diba
Bakit sa tuwing lumuluha ang isang tao
Doon lang yung oras na magtatanong kayo
Di ba pwedeng tinatago lang namin to
Kasi ayoko lang naman ng mag-aalala yung mga tao na nasa paligid ko
Kaya nga nilalabas ko lang to
Kapag wala akong nakikitang tao
Oo palangiti ako
Pero lahat ba ng ngiti ko
Mapapatunayan niyong totoo?
Ako kasi yung klase ng tao na palaging positibo
Minsan lang ako mag-isip ng negatibo
Pero minsan kasi hindi natin maiiwasan
Maiiwasang umiyak
Kasi kusa tong lumalabas
Sabi ko nga para itong isang ulap
At minsan kasi kailangan din natin itong ilabas
BINABASA MO ANG
Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)
PoesiaKatambal at kasunod sa unang tula.Please support and please vote season 1 and 2 hugot spoken poetry