Maghihintay pero Di Aasa

29 0 0
                                    



Totoo nga ang kanilang winika
Na sa ano mang bagay Ay wag umasa
At kahit pa ito'y abot kamay mo na,
Maaari ka paring mabigo at ito'y mawala
Sobrang sakit na sa iyong pag-aakala,
Na ang iyong minimithi'y sa wakas Ay makukuha
Ngunit Mali ka at Hindi parin pala
Pag-asa'y nawala nalang bigla
Kagaya ng iyong inaakala
Kagaya noong ikaw Ay umasa
Na sa wakas Ay matatagpuan mo na sya
Ngunit biglang pagkakataon Ay nawala.
At sa bawat kabiguang iyong natamo.
Sa bawat pag-asang lagi nalang bigo.
Mga Luha Ay kusang tumutulo,
Kakayanin pa ba ang pagkadurog ng puso?
Kaya't Hindi na ako aasa.
Kung darating man ang araw na Makikita ka,
Maghihintay pero hinding Hindi na aasa
Upang kung di man dumating, Ay di na masasaktan pa.

Hugot spoken poetry 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon